Ronnie Alonte at Loisa Andalio, nawalan ng P1B cryptocurrency

Ronnie Alonte at Loisa Andalio, nawalan ng P1B cryptocurrency

- Naibahagi nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio ang mga bagay na nawala nang mabiktima sila ng basag-kotse

- Kabilang sa mga nawala sa kanila ay tatlong cellphone kung saan nakasave ang kanilang crypto na nagkakahalaga ng nasa P1B

- Sa tingin naman nila ay hindi naman makukuha ng nanloob sa kotse nila ang pera ngunit hindi na rin nila makukuha ang pera nila

- Ani Ronnie, nakatitigan niya pa ang suspek na bumasag sa kotse nila at tumangay sa kanilang mga cellphone

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ng magkasintahang Ronnie Alonte at Loisa Andalio ang ilang detalye nang mabiktima sila kamakailan ng basag-kotse. Sa panayam ng Push, naibahagi nila na kabilang sa mga nawala sa kanila ay tatlong cellphone kung saan nakasave ang kanilang crypto na nagkakahalaga ng nasa P1B.

Ronnie Alonte at Loisa Andalio, nawalan ng P1B cryptocurrency
Ronnie Alonte at Loisa Andalio, nawalan ng P1B cryptocurrency (@iamandalioloisa)
Source: Instagram

Naisipan umano nilang dumaan sa kanilang cafe. Habang nakaupo umano si Ronnie sa terrace ay nakatitigan niya pa ang suspek. Gayunpaman, hindi niya nakita na binasag nito ang sasakyan nila at nakompirma na lang nang makita niya sa CCTV.

Read also

Ronnie Alonte at Loisa Andalio, pinabulaanan ang tsismis na may maselang video sila sa nanakaw na cellphone

Sa tingin naman nila ay hindi naman makukuha ng nanloob sa kotse nila ang pera ngunit hindi na rin nila makukuha ang pera nila. Umaasa lang umano sila na sana ay mahuli ang suspek dahil ayaw nilang may mabiktima pa itong iba. Dagdag pa ni Loisa nakaka-trauma ang experience ngunit nagpapasalamat silang ligtas sila at walang nasaktan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa ulat ng Philstar noong Oktubre, pinaghahandaan pa lamang ng magkasintahang Loisa at Ronnie ang negosyo nilang dalawa. Sinabi ni Ronnie na habang may nabibigay pang trabaho sa kanila ay kailangan nilang maging maayos sa paghawak ng kanilang pera lalo at sa kasalukuyan ay maraming mga bagong artista ang nakikilala.

Naiulat naman ng Push ang tungkol sa panloloob sa kotse ng magkasintahan sa Molino Road, Barangay Molino 3. Kinumpirma ito ng Bacoor City Police.

Read also

Ronnie Alonte, dismayado sa bagal ng pag-usad ng paghuli sa nangbiktima sa kanila

Si Loisa Andalio o Josefina Loisa Francisco Andalio sa totoong buhay ay isang Filipino actress at dancer. Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: All In, kung saan nakilala siya bilang ang "Talented Darling ng Parañaque".

Kamakailan ay nag-post si Loisa ng video na kuha sa birthday party ng kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte. Makikita sa video ang masayang pagtitipon ng mga mahal sa buhay ni Ronnie. Naglagay din si Loisa ng kanyang mensahe para kay Ronnie. Pinasalamatan naman ni Ronnie si Loisa sa pamamagitan ng paglagay ng kanyang mensahe sa comment section.

Naging usap-usapan ang post ni Loisa kamakailan tungkol sa pangako at kasinungalingan. Aniya, mas masahol pa ang pangangako kesa sa pagsisinungaling dahil hindi lamang umano ito pagpapaniwala kundi pagpapaasa. Sa comment section ng post niya ay nilinaw niyang walang kinalaman sa kanyang buhay pag-ibig ang kanyang quote na binahagi.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel