Gabbi Garcia at Khalil Ramos, may sagot sa pambabatikos ng netizens

Gabbi Garcia at Khalil Ramos, may sagot sa pambabatikos ng netizens

  • Umani ng magkakaibang reaksiyon online ang video ni Gabbi Garcia habang gumagawa ng voice-over recording para sa "Pinoy Big Brother: Collab 3.0" sa loob ng tren sa Japan, matapos itong ibahagi ng kaniyang boyfriend na si Khalil Ramos sa TikTok
  • May ilang netizens na nagsabing maaaring taliwas ito sa inaasahang asal sa pampublikong transportasyon sa Japan, habang may iba namang nagtanggol sa aktres at nagsabing hindi naman ito naging istorbo sa mga kapwa pasahero
  • Sa comment section, nilinaw ni Gabbi na tumagal lamang nang tatlo hanggang limang segundo ang recording at iginiit niyang hindi siya nagsisigaw habang ginagawa ang voice-over para sa programa
  • Nagbigay rin ng pahayag si Khalil Ramos upang depensahan ang kasintahan at ibinahaging may iba ring pasaherong nagsasalita nang malakas sa naturang biyahe, kasabay ng lumawak na diskusyon tungkol sa kultura at asal sa pampublikong lugar

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang pagsasagawa ng voice-over recording ng Kapuso star at "Pinoy Big Brother: Collab 3.0" host na si Gabbi Garcia habang nasa loob siya ng tren sa Japan kasama ang kaniyang boyfriend na si Khalil Ramos.

Read also

Claudine Barretto, naghain ng reklamo laban kina Cristy Fermin at Rommel Chika

Gabbi Garcia at Khalil Ramos, may sagot sa pambabatikos ng netizens
Gabbi Garcia at Khalil Ramos, may sagot sa pambabatikos ng netizens (đź“·Gabbi Garcia/Facebook)
Source: Facebook

Ibinahagi ni Khalil ang naturang video sa kaniyang TikTok account kung saan makikitang abala si Gabbi sa kaniyang trabaho. "Ito nanaman siya," saad ni Khalil. "Live from Osaka, Japan." "Maya maya pa.. makakarating na tayo sa Osaka Station," dagdag pa niya.

Subalit, sa comment section ng naturang post, marami sa mga netizen ang nagpahayag ng hindi pagpabor dahil sa paniniwalang may kakulangan sa paggalang o "disrespect" umano ito sa kultura ng mga Hapon na kilalang nagpapatupad ng katahimikan sa mga pampublikong sasakyan. Ayon sa ilan, hindi raw nararapat na gumawa ng ganoong klaseng ingay sa mga pampublikong tren sa Japan. "Hindi ba disrespectful sa culture nila? like mag ingay sa public transpo," ayon sa isang netizen.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabilang banda, mayroon ding mga dumepensa kay Gabbi at sinabing hindi naman ganoon kalakas ang boses ng aktres at may iba ring pasahero na nag-uusap. Nagbigay rin ng sariling pahayag si Gabbi upang linawin ang sitwasyon. "Guys relax it was literally 3-5 seconds HAHA and maingay din talaga sa train. Modulated and nakalapit lang yung phone sakin kaya malakas. Kung maka react kayo kala niyo naman nagsisisgaw ako sa train. lol," paglilinaw niya. Ipinagtanggol din ni Khalil ang kaniyang kasintahan sa mga pumupuna rito. "Sana navideohan ko din yung dagsaan ng mga teenagers papuntang Universal Studios na ang tataas ng boses. Kung maka comment iba dito na nag sschool ng Japanese culture e. Cultured na kayo nyan??" giit pa ni Khalil.

Read also

Imelda Schweighart, nakatanggap umano ng threats: "Just know from what “community” it was"

Kilala sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa kanilang matagal na relasyon at madalas na pagbabahagi ng kanilang mga biyahe at personal na buhay sa kanilang mga tagahanga sa pamamagitan ng social media. Bukod dito, abala rin ang dalawa sa kani-kanilang mga proyekto sa showbiz, kabilang na ang mga hosting at acting engagements ni Gabbi sa iba't ibang programa.

Samantala, para sa iba pang maiinit na balita tungkol sa aktres, narito ang dalawang naunang artikulo na nailathala sa Kami.com.ph. Sa isang ulat, ibinunyag ni Gabbi Garcia kung bakit napakahalaga ng papel niya sa The Voice Kids, kung saan ibinahagi niya ang kaniyang mga karanasan at nararamdaman sa pagiging bahagi ng nasabing programa.

Bukod dito, naging usapan din ang isa pang panayam kung saan ibinahagi ni Gabbi kung bakit hindi pa nila minamadali ang kasal nila ni Khalil Ramos, dahil nakatutok muna sila sa kanilang mga indibidwal na karera at personal na pag-unlad bilang magka-relasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate