Lie Reposposa, kinaaliwan sa mga videos niya kasama ang boyfriend

Lie Reposposa, kinaaliwan sa mga videos niya kasama ang boyfriend

- Marami ang naaliw sa mga videos na binahagi ni Lie Reposposa sa pagbabakasyon ng boyfriend niyang si Paul Joshua Marsden sa kanila sa Davao

- Sa kanyang social media posts ay binabahagi ni Lie ang kanilang masayang kulitan at mga TikTok videos

- Bukod sa pagiging sweet nila ay marami ang natuwa sa boyfriend niya na game din sa mga video na ginagawa nila

- Kamakailan nga ay naibahagi ni Lie ang unang pagkikita ng boyfriend niya at ng kanyang mga magulang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinakiligan ang mga videos na binahagi ni Lie Reposposa kung saan kasama niya ang boyfriend na si Paul Joshua Marsden. kasalukuyan itong nasa Pilipinas at kasama ni Lie sa kanila sa Davao.

Lie Reposposa, kinaaliwan sa mga videos nila ng boyfriend
Lie Reposposa, kinaaliwan sa mga videos nila ng boyfriend (@liereposposaofc)
Source: Instagram

Binahagi ni Lie ang video ng kanilang pamamasyal at maging ang mga nakakaaliw nilang kulitan sa paggawa ng mg TikTok dance challenge.

Read also

Panayam kay Daniel ukol sa A Very Good Girl kung saan 'nobya' pa ang tawag niya kay Kathryn, viral

Bukod sa pagiging sweet nila ay marami ang natuwa sa boyfriend niya na game din sa mga video na ginagawa nila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Unang nakilala si Lie bilang si Angelie “Lie” Reposposa nang sumali siya bilang isa sa mga daily contender ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan upang mapasali siya sa Pinoy Big Brother kung saan napabilang siya sa mga finalist matapos niyang hiranging isa sa nanalo sa kanilang batch.

Matatandaang nag-viral ang paglabas ni Lie ang kanyang sama ng loob matapos niyang matuklasan ang umano'y pangba-backstab ng kanyang teacher. Aniya, dahil nais niyang mapagsabay ang pagtatrabaho at ang pag-aaral, sinubukan niya ang Alternative Learning System o ALS. Kasabay ng kanyang mensahe kaugnay sa kanyang saloobin sa nasabing teacher, ibinahagi niya ang screenshot ng mensahe ng teacher kung saan makikitang kausap nito ang ilan ding nag-aaral sa ALS. Nasabi pa nito na si Lie umano ay feeling artista na talaga namang inalmahan ng mga tagahanga ni Lie.

Read also

Ivana Alawi sa kanyang love life: "I'm seeing someone. So 'yun, I'm happy"

Game na game si Melai Cantiveros sa 'Bisaya Challenge' sa kanya ni Kim Chiu. Part 2 na ito dahil ang unang nakasama ni Kim sa kanyang bisaya challenge ay sina Maymay Entrata at Lie. Marami raw ang naghanap kay Melai sa part 1 kaya naman siniguro ni Kim na makakasama na niya ito sa part 2. Lalo pang naaliw ang mga nakapanood dahil sa makulit na tawa ni Kim na tuwang-tuwa kay Melai.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel