Misis ni Andrew Schimmer, comatose pa rin; "Until now she's still in a very deep sleep"
- Nagbigay ng update si Andrew Schimmer ukol sa misis niyang si Jho Rovero
- Aniya, under the state of coma pa rin ito hanggang ngayon matapos na ito ay malagak muli sa ospital
- Subalit naniniwala si Andrew na naririnig siya ng asawa niya kaya patuloy niya itong kinakausap
- Katunayan, inalay pa ni Andrew ang kanyang award sa kanyang misis na agad niyang pinuntahan matapos ang seremonya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagbigay ng update si Andrew Schimmer tungkol sa kalagayan ng kanyang misis na si Jorhomy Rovero.
Nalaman ng KAMI na comatose pa rin si Jho buhat nang ito ay malagak muli sa ospital.
"Until now she's still in a very very very very deep sleep," paglalarawan ni Andrew sa kanyang misis.
Gayunpaman, naniniwala umano siyang naririnig siya nito kaya patuloy pa rin niya itong kinakausap at kinikwentuhan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"But she's really really conscious. She can hear me. I can feel it, I can sense it. Deep down my heart," emosyonal na nasambit ni Andrew.
Walang humpay pa rin ang pasasalamat niya sa mga taong hanggang ngayon ay sumusubaybay sa kalagayan ni Jho at nagdarasal na bumalik muli ito sa normal niyang kalagayan.
Samantala, naikwento rin ni Andrew na agad siyang nagtungo kay Jho mula sa seremonya ng pagtanggap niya ng karangalan bilang Asia's Most Inspiring actor and Model of the Year mula sa 6th Asia- Pacific Luminare Award.
Aniya, kasama niya sana ang misis ngunit dahil sa kalagayan nito, agad na lamang siyang nagtungo sa ospital upang ialay ang karangalang natanggap.
Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa bansa na gumawa ng ingay kamakailan sa social media nang lakas-loob na humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na agad namang sinundan ng brain hypoxia.
Kamakailan, ibinalik ang kanyang misis sa ospital na noon sana'y mananatili na lamang sa kanilang tahanan upang doon magpagaling. Nilagnat at nagsuka umano ito dahil sa pagtaas ng sodium level nito sa katawan.
Dito inabot na muli si Jho ng ika-isang taon nito sa kanyang kalagayan. Umaasa ang marami na patuloy na ang paggaling ni Jho dahil na rin sa kamangha-manghang pag-aalaga sa kanya ng mister at ng kanyang pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh