Ricci Rivero umalma sa post ni Xian Gaza: "Bida-bida ka masyado"

Ricci Rivero umalma sa post ni Xian Gaza: "Bida-bida ka masyado"

- Inalmahan ni Ricci Rivero ang post ni Xian Gaza kaugnay sa girlfriend niyang si Andrea Brillantes

- Ani Xian, sa daming beses niyang inintriga si Andrea Brillantes, ano kaya ang magiging reaksiyon nito kung pupunta siya sa meet and greet nito sa Dubai

- Aniya, pipila siya nang nakasuot ng face mask at manggugulat na lang kapag kaharap niya na ang aktres

- Binahagi naman ni Ricci Rivero ang post niyang ito sa kanyang Instagram Stories kalakip ang mga salitang "Bida-bida ka masyado"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tinawag ni Ricci Rivero na bida-bida si Xian Gaza matapos nitong mag-post tungkol kay Andrea Brillantes. Ani Xian, sa daming beses niyang inintriga si Andrea Brillantes, ano kaya ang magiging reaksiyon nito kung pupunta siya sa meet and greet nito sa Dubai.

Ricci Rivero umalma sa post ni Xian Gaza: "Bida-bida ka masyado"
Ricci Rivero umalma sa post ni Xian Gaza: "Bida-bida ka masyado" (@facebook.com/christianalbertgaza)
Source: Facebook

Aniya, pipila siya nang nakasuot ng face mask at manggugulat na lang kapag kaharap niya na ang aktres.

Read also

Erik Santos, napahagulhol sa pagbabahagi ng mga huling sandali ng kanyang ina

For the last one year eh maraming beses kong tsinismis si Andrea Brillantes. Punta kaya ako sa meet & greet niya dito sa Dubai para mabwiset. Pila ako with face mask tapos kapag turn ko na bulagaaa nyeeeaaaaam hahaha badtrip siguro yon

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Binahagi naman ni Ricci Rivero ang post niyang ito sa kanyang Instagram Stories kalakip ang mga salitang "Bida-bida ka masyado".

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Matatandaang sinagot ni Donnalyn Bartolome ang post ni Xian tungkol sa umano'y mga babaeng nasa VIP table sa sikat na mga club ba kanyang binanggit. Ayon kay Xian, sa bawat story ng mga babaeng ito ay may sugar daddy na hindi kasama sa video. Ani Donnalyn, hindi dapat nilalahat dahil may mga babaeng kayang magbayad nang hindi umaasa sa sugar daddy. Nilinaw niya rin na hindi niya minamaliit ang mga babaeng gumagawa at humingi siya ng dispensa sa mga babaeng aniya ay nasaktan sa post ni Xian.

Read also

Xian Gaza, pinayuhan umano si Zeinab Harake na huwag nang makigulo sa isyu niya

Kamakailan ay sinagot ni Xian ang post ni Donnalyn Bartolome kung saan inalmahan nito ang pahayag ni Gaza kaugnay sa "babaeng may sugar daddy." Ani Xian, ang kanyang dahilan sa pag-post ay para patamaan ang kanyang "sugar baby" na aniya ay dinala ang boyfriend sa gimikan gamit ang kanyang pinadalang pera. Dagdag pa niya kung may mga nasaktan sa kanyang post ay hindi na niya problema dahil wala naman daw siyang pake sa nararamdaman ng mga ito. Sinagot din ito ni Donnalyn at sinabing malayo umano ang explanation ni Xian sa "pambababa daw nito sa mga babae."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel