Coco at Julia, lantaran na ang pamamasyal sa ibang bansa ani Cristy Fermin

Coco at Julia, lantaran na ang pamamasyal sa ibang bansa ani Cristy Fermin

- Lantaran na raw umano ang pamamasyal nina Coco Martin at Julia Montes sa ibang bansa

- Matatandaang, minsan na silang nakuhanan ng larawan na halos takip ang mukha sa kanilang mga biyahe abroad

- Ngayon, nagtatanggal na sila ng face mask at nakakapag-holding hands na rin umano sila sa publiko

- Minsan nang napabalitang may anak na ang dalawa subalit wala pa ring nakapagkumpirma sa bali-balitang ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga bagong showbiz chika ni Cristy Fermin ay ang paglalantad na sa publiko nina Coco Martin at Julia Montes.

Coco at Julia, lantaran na ang pamamasyal sa ibang bansa ani Cristy Fermin
Coco at Julia (@julco)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na hindi tulad ng dati, nagtatanggal na sila ngayon ng face mask at nakakapag-holding hands na rin sa publiko.

Katunayan, sa pinakahuling out of the country trip ng dalawa, 'all smiles' pa sila sa larawan kasama ang ex-PBB housemate na si Fumiya.

Kaya naman masasabing pag-amin na lamang ang hinihintay ng publiko kina Coco at Julia.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Siguro pinag-usapan nila ni Julia na kahit ito manlang ay maging atin naman," ang komento ni Cristy tungkol kay Coco na hindi naman naglihim sa kanyang buhay.

"Nirerespeto po nating ang mga personalidad na ayaw po munang umamin. Tutal, lalabas at lalabas din naman ang katotohanan."
"Ito po 'yung pag-amin na lamang ang hinihintay ng publiko kina Coco Martin at Julia Montes. Kung kailan po sila aamin, wala pong may hawak ng kanilang disposisyon. Maaring edi ibig nilang sabihin e irespeto niyo kung anuman po ang meron kami. Tutal naman po, pagdating ng panahon, malalaman niyo rin ang katotohanan dahil hindi naman namin ito ipagdadamot sa inyo," pahayag ni Cristy.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng Pilipinas.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa naturang episode din, naikwento ni Cristy ang nasabi sa kanya ng kanyang source na tuloy na tuloy na ang kasalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Gaganapin daw ito sa 2023. Sakaling totoo ito, isa raw si Cristy sa mga magiging masaya para sa dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel