Anne Curtis, nagkanda-utal-utal sa prank ni Mariel Rodriguez

Anne Curtis, nagkanda-utal-utal sa prank ni Mariel Rodriguez

- Nawindang si Anne Curtis sa prank call ni Mariel Padilla sa kanya habang nasa taping siya

- Sinabi ni Mariel na nag-away umano sila ng mister na si Robin Padilla kaya nakikiusap siya kung pwede siyang makituloy sa bahay ni Anne

- Nagkanda-utal-utal naman si Anne nang marinig ang pinagdadaanan ng kaibigan at hindi ito nag-alinlangan na sabihing tutulungan niya si Mariel

- Ayon pa kay Mariel, parang nakakaramdam siya ng guilt dahil sa ginawa niyang prank sa mga taong malapit sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nataranta si Anne Curtis nang marinig ang pakiusap ni Mariel Padilla sa kanya nang tawagan siya nito. Lingid sa kanyang kaalaman ay na-prank pala siya ni Mariel.

Anne Curtis, nagkanda-utal-utal sa prankcall ni Mariel Padilla
Anne Curtis, nagkanda-utal-utal sa prankcall ni Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Sa video ni Mariel ay isa lang si Anne sa kanyang tinawagan para sa kanyang prank call. Sinabi ni Mariel na nag-away umano sila ng mister na si Robin Padilla kaya nakikiusap siya kung pwede siyang makituloy sa bahay ni Anne.

Read also

Boy Abunda, handang ibenta ang bahay niya matulungan lang si Mariel Padilla

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagkanda-utal-utal naman si Anne nang marinig ang pinagdadaanan ng kaibigan at hindi ito nag-alinlangan na sabihing tutulungan niya si Mariel.

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Matatandaang todo-todo ang suportang binigay ni Mariel sa kanyang mister at nakapag-live selling pa ito para lang matulungan sa kanyang kampanya si Robin. Nagbunga naman ang kanyang suporta sa kandidatura ng mister dahil ito ang nanguna sa lahat ng mga senatoriables. Hindi napigilan ni Mariel Padilla na maiyak nang malaman niyang nanguna ang kanyang mister na si Robin sa pagka-senador. Sa kanyang binahaging post kamakailan, pinakita niya ang kanyang naging inisyal na naging reaksiyon sa natanggap na magandang balita.

Read also

Bianca Gonzalez, nawindang sa prank ni Mariel Rodriguez Padilla

Kahit nasa bakasyon, tila updated si Mariel sa mga kaganapan sa bansa pagkatapos ng eleksiyon. Sa isang post ay binahagi niya ang picture ng isang pink na bag kalakip ng tanong na kung kailangan pa bang picturan. Umani ng mga reaksiyon ang post na ito ni Mariel na kuha sa Toledo sa Spain kung saan sila kasalukuyang nagbabakasyon kasama ang kanyang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel