Mariel Padilla, pinakita ang kanyang reaksiyon nang malamang #1 si Robin Padilla sa pagka-senador

Mariel Padilla, pinakita ang kanyang reaksiyon nang malamang #1 si Robin Padilla sa pagka-senador

- Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Mariel Padilla na matapos niyang bumoto ay umalis sila ng kanyang mga anak lulan ng eroplano

- 20 oras umano ang kanilang naging biyahe kasama ang dalawang senior citizen

- Binahagi niya rin ang kanyang naging reaksiyon nang mapag-alamang nanguna ang kanyang mister na si Robin Padilla sa pagka-Senador

- Matatandaang todo ang suportang binigay ni Mariel sa kanyang mister at nakapag-live selling pa ito para lang matulungan sa kanyang kampanya si Robin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilan ni Mariel Padilla na maiyak nang malaman niyang nanguna ang kanyang mister na si Robin Padilla sa pagka-senador. Sa kanyang binahaging post, pinakita niya ang kanyang naging reaksiyon sa natanggap na magandang balita.

Mariel Padilla, pinakita ang kanyang reaksiyon nang malamang #1 si Robin Padilla sa pagka-Senador
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Ibinahagi ni Mariel na matapos niyang maka-boto ay ay umalis sila ng kanyang mga anak lulan ng eroplano. Kasama din nila ang kanyang lola at lolo sa kanilang 20 oras na biyahe.

Read also

Mariel Padilla, nagpasalamat sa lahat ng nag-"mine" kay Robin Padilla

Makikita sa kanyang binahaging post ang picture ng kanyang dalawang anak habang nasa biyahe.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang todo ang suportang binigay ni Mariel sa kanyang mister at nakapag-live selling pa ito para lang matulungan sa kanyang kampanya si Robin.

Right after voting we got on a plane and We survived a 20hr trip with 2 senior citizens and 2 kids hahaha the last photo is my reaction when i found out Robin is #1

Marami naman ang bumati kay Mariel at sa mister nito:

Hindi ako makamove on sa lahat mga interviews ni robin ang husay husay nyang sumagot at may malasakit sa taong bayan kahit 10 times ko pang ulitin
For a person with a beautiful heart for the country, he truly deserves it. God bless Padilla family

Read also

Mariel Padilla, masayang pwede na siyang magsuot uli ng pink na damit

Congratulations to your family!!! You showed us how love accepts, how love embraces, how love turns a dark past into a bright future. ❤️ You humbled yourself just to support Robin. I am so happy for you!

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawan pa nila ito ng libreng pabahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel