Bianca Gonzalez, nawindang sa prank ni Mariel Rodriguez Padilla

Bianca Gonzalez, nawindang sa prank ni Mariel Rodriguez Padilla

- Nawindang si Bianca Gonzalez sa prank call sa kanya ng kaibigang si Mariel Padilla kung saan sinabi ni Mariel na may sinabi umanong hindi maganda si Bianca kay Robin

- Binahagi ni Mariel sa kanyang YouTube channel ang prank call niyang ito na aniya ay unang beses niyang sinubukan

- Hindi naman nagtagal ang pangpaprank ni Mariel sa kaibigan dahil bukod sa hindi niya napagplanuhang maigi ang sasabihin niyang kwento, naawa din siya kay Bianca

- Aniya, alam niyang hinding-hindi magagawa iyon ni Bianca base sa pagkakakilala niya sa kaibigan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naloka si Bianca Gonzalez matapos siyang paratangan ni Mariel Padilla na backstabber siya sa prank call ni Mariel na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Hindi naman nagtagal ang pangpaprank ni Mariel sa kaibigan dahil sa hindi niya napagplanuhang maigi ang sasabihin niyang kwento.

Read also

Jessy Mendiola at Luis Manzano, binahagi ang 4D sonogram ng kanilang baby

Bianca Gonzalez, nawindang sa prank ni Mariel Rodriguez
Bianca Gonzalez, nawindang sa prank ni Mariel Rodriguez (@iamsuperbianca)
Source: Instagram

Sa pakikipag-usap ni Mariel kay Bianca sinabi nito na may narinig siyang sinabi si Bianca na hindi maganda tungkol sa kanyang mister na si Robin Padilla.

Agad namang tinanong ni Bianca kung sino ang nagsabi nito dahil hinding-hindi niya umano ito magagawa kahit pa sa taong hindi niya kilala.

Aniya, baka may galit sa kanya yung taong nagsabing may sinasabi siyang masama kay Robin.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ito umano ang unang beses na nag-prank si Mariel kaya hindi inasahan ni Bianca na magpaprank si Mariel.

Si Bianca Gonzalez ay nakilala bilang isang TV host. Naging bahagi rin siya ng Pinoy Big Brother: Celebrity Edition kung saan naging 3rd place siya. Bukod sa pag-host sa Y Speak, naging host din siya ng Pinoy Big Brother Teen Edition UpLate.

Read also

Boy Abunda, handang ibenta ang bahay niya matulungan lang si Mariel Padilla

Nakilala din siya bilang isa sa mga "angels" ni Big Brother sa PBB. Kasama niya sina Toni Gonzaga at Mariel Padilla sa mga nakaraang seasons ng sikat na TV show. Gayunpaman, kamakailan nga matapos mag-resign ni Toni sa PBB ay siya ang naatasang mag-host sa naturang reality show.

Matatandaang hindi napigilang maging emosyonal ni Bianca sa pagtatapos ng "Pinoy Big Brother: Kumunity" Season 10. Sa kanyang Instagram story ay binahagi niya ang picture nilang tatlo kasama sina Mariel Padilla at Toni Gonzaga. Makikita sa video ng pagtatapos ng PBB Kumunity Season 10 ang pag-iyak ni Bianca habang yakap-yakap siya ni Cory Vidanes. Naroroon din si Kim Chiu na nagbibigay ng encouragement kay Bianca.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel