Boy Abunda, handang ibenta ang bahay niya matulungan lang si Mariel Padilla

Boy Abunda, handang ibenta ang bahay niya matulungan lang si Mariel Padilla

- Tinawagan ni Mariel Padilla ang manager niyang si Boy Abunda para sa kanyang prank call video na binahagi niya sa YouTube

- Nasa meeting pa si Tito Boy nang tawagan siya ni Mariel ngunit hindi ito nag-alinlangang sagutin si Mariel

- Hindi ito nag-alinlangan nang sabihin ni Mariel na kailangan niya ng 5 milyon dahil kailangan niya sa kanyang na-order para sa kanyang negosyo

- Kahit sinabi na ni Mariel na prank lamang ang tawag niyang iyon, sinabi ni Tito Boy na tutulungan niya ito at kahit ibenta pa nito ang bahay niya para matulungan lang si Mariel

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi nakaligtas si Boy Abunda sa prank call ni Mariel Padilla. Kahit sinabi na ni Mariel na prank lamang ang tawag niyang iyon, sinabi ni Tito Boy na tutulungan niya ito at kahit ibenta pa nito ang bahay niya para matulungan lang si Mariel.

Read also

Anne Curtis, nagkanda-utal-utal sa prank ni Mariel Rodriguez

Boy Abunda, handang ibenta ang bahay niya matulungan lang si Mariel Padilla
Boy Abunda, handang ibenta ang bahay niya matulungan lang si Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Kahit nasa meeting si Tito Boy ay kinausap niya si Mariel at pinakinggan niya ito sa kanyang problema. Hindi ito nag-alinlangan nang sabihin ni Mariel na kailangan niya ng 5 milyon dahil kailangan niya sa kanyang na-order para sa kanyang negosyo.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Matatandaang todo-todo ang suportang binigay ni Mariel sa kanyang mister at nakapag-live selling pa ito para lang matulungan sa kanyang kampanya si Robin. Nagbunga naman ang kanyang suporta sa kandidatura ng mister dahil ito ang nanguna sa lahat ng mga senatoriables. Hindi napigilan ni Mariel Padilla na maiyak nang malaman niyang nanguna ang kanyang mister na si Robin sa pagka-senador. Sa kanyang binahaging post kamakailan, pinakita niya ang kanyang naging inisyal na naging reaksiyon sa natanggap na magandang balita.

Kahit nasa bakasyon, tila updated si Mariel sa mga kaganapan sa bansa pagkatapos ng eleksiyon. Sa isang post ay binahagi niya ang picture ng isang pink na bag kalakip ng tanong na kung kailangan pa bang picturan. Umani ng mga reaksiyon ang post na ito ni Mariel na kuha sa Toledo sa Spain kung saan sila kasalukuyang nagbabakasyon kasama ang kanyang mga anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel