Vice Ganda sa mga nangmemenus sa pelikula niya: "Tingnan ko kung kaya nyong gawin"

Vice Ganda sa mga nangmemenus sa pelikula niya: "Tingnan ko kung kaya nyong gawin"

- Kinaaliwan si Vice Ganda sa Miss Q & A segment ng 'It's Showtime' ngayong araw matapos niyang ipakita ang umano'y pag-transform niya sa Petrang Kabayo

- Biro pa niya, malaking kinita ng nag-produce ng pelikula niyang iyon dahil wala daw special effects na ginamit doon

- Binanggit niya din ang umano'y nangmemenus sa kanyang pelikula na parang walang kakwenta-kwenta gayong pinaghirapan umano nila iyon

- Tawang-tawa naman maging ang mga co-hosts ni Vice Ganda sa pinakitang ito ni Vice na ayon kay Ryan Bang ay "parang totoo"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Biro ni Vice Ganda, walang ginamit na special effects sa pag-transform niya sa pelikula niyang "Petrang Kabayo" kaya malaki daw ang kinita ng pelikulang iyon. Binanggit niya din ang umano'y nangmemenus sa kanyang pelikula na parang walang kakwenta-kwenta gayong pinaghirapan umano nila iyon.

Read also

Ogie Diaz kay Pia White na umano'y nakalaya na: "Magbago na kayo"

Vice Ganda sa mga nangmemenus sa pelikula niya: "Tingnan ko kung kaya nyong gawin"
Vice Ganda sa mga nangmemenus sa pelikula niya: "Tingnan ko kung kaya nyong gawin" (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Sa Miss Q & A segment ng It's Showtime ngayong araw, pinakita ni Vice Ganda ang aniya'y ginawa niya sa pelikula. Hindi naman mapigilang mamangha at matawa ng kanyang mga co-hosts.

“Hindi niyo pwedeng puchu-puchuin at minimenus yung mga pelikula ko na parang walang kakuwenta-kwenta yung mga pelikula ko, pinaghirapan namin..”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maging si Ryan Bang ay nasabi na parang totoo umano ang transformation ni Vice. Bigla umanong napag-isip ni Vice na hindi siya dapat ginawa iyon dahil kakalat na naman daw iyon sa internet.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Read also

Ogie Diaz, handa rin umanong purihin ang minsan niyang napuna na ALLTV

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel