Ogie Diaz kay Pia White na umano'y nakalaya na: "Magbago na kayo"

Ogie Diaz kay Pia White na umano'y nakalaya na: "Magbago na kayo"

- Nabalitaan ni Ogie Diaz na nakalaya na umano si Pia White ang dating misis ni Terrence Romeo na umano'y may pagkakautang sa kanya ng halagang Php5 milyon

- Maging ang kasama nitong si Efcel Reyes ay nakalaya na raw dahil na block pa umano siya ng mga ito sa Viber

- Kung totoo man umanong nakalaya na ang dalawa, hiling ni Ogie D na magbago na ang mga ito

- Sa kasamaang palad, may nakapagsabi rin sa kanya tuloy pa rin ang mga ito sa dati nilang gawiat dating negosyo kung saan na-scam umano si Ogie

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Ogie Diaz sa bagong episode ng kanyang Showbiz Update na nakalaya na umano si Beatrice Pia White, ang dating misis ng basketball player na si Terrence Romeo.

Ogie Diaz kay Pia White na umano'y nakalaya na: "Magbago na kayo"
Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Tita Jegs (Screengrab from Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nadakip ito Enero ng kasalukuyang taon sa kasong extortion, carnapping at paggamit ng iba’t ibang pangalan.

At sinasabing kabilang si Ogie sa mga na-scam nito kung saan umabot sa Php5 million pa ang pagkakautang nito sa kanya.

"Feeling ko nakalaya na talaga kayo kasi na-block niyo ako. Siyempre nakagamit sila ng cellphone, blinock nila ako sa viber," ani Ogie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kawawa naman yung mga nagtrabaho talaga ng matino at ipinagkatiwala sa inyo yung pera," dagdag pa niya.

Sakaling totoo mang nakalaya na si Pia maging ang kasama nitong si Efcel Reyes, hiling ni Ogie na magbago na ang mga ito. Subalit nababalitaan pa niyang nito lamang nakaraang buwan ay balik na naman ang dalawa sa dating gawi at dating pinagkakakitaan.

"Sana nga, Pia Efcel, magbago na kayo. Dahil sumasakit na rin ang ulo ko sa inyo, ang galing niyo... kung kayo'y nakalaya na, wag na kayong gagawa ng masama. magbago na kayo, maghanapbuhay kayo ng parehas, nang patas," payo ni Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake". Naging manager din siya ng mga sikat na artista katulad ni Liza Soberano.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng maraming netizens ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel