Ogie Diaz, handa rin umanong purihin ang minsan niyang napuna na ALLTV

Ogie Diaz, handa rin umanong purihin ang minsan niyang napuna na ALLTV

- Muling nabanggit ni Ogie Diaz ang tungkol sa ALLTV sa pinakabagong episode ng kanyang 'Showbiz Update' channel

- Aniya, handa naman siyang purihin ang programa sakaling makita na ng publiko ang umano'y improvement mula nang ito'y unang maisa-ere

- Paliwanag ni Ogie na ganoon naman talaga ang buhay na kung marunong na mamuna, marunong din namang magbigay puri

- Matatandaang minsan nang binigyang pansin ni Ogie ang audio sa performance ni Toni Gonzaga sa ALLTV

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napag-usapan muli nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs sa pinakabagong episode nila ng 'Showbiz Update' ang tungkol sa ALLTV ng AMBS2.

Ogie Diaz, handa rin daw umanong purihin ang minsan niyang pinuna na ALLTV
Willie Revillame at Toni Gonzaga (ALLTV Facebook)
Source: Facebook

Ayon pa nga kay Ogie D, baka naman mapansin na rin ng ALLTV na lagi na lamang umano silang nababanggit sa channel ng tatlo.

Nalaman ng KAMI na handa naman daw umanong magbigay puri si Ogie, sakaling makita na niya lalo na ng publiko ang inaasahang pagbabago sa programa lalo na ang ilang nabigyang komento nila.

Read also

Ogie Diaz kay Pia White na umano'y nakalaya na: "Magbago na kayo"

"Alam niyo, sa totoo lang. Bigyan niyo kami ng magandang rason na pwedeng i-justify sa'min na maganda na ang programming ng ALLTV, Diyos ko! iisa-isahin po namin dito at pupuri-purihin po namin dito," ani Ogie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ganun naman talaga ang buhay. 'Pag marunong mamuna, marunong ding pumuri,"dagdag pa niya.

Matatandaang minsan nang mabigyang komento ni Ogie D ang tungkol sa audio ng naging performance ni Toni Gonzaga sa unang pagsasa-ere ng ALLTV.

Ayon kay Ogie, maaring si Toni mismo ay hindi matutuwa sakaling mapanood ang nasabing performance dahil sa kinalabasan ng audio nito.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake". Naging manager din siya ng mga sikat na artista katulad ni Liza Soberano.

Read also

Janno Gibbs, inaming namura niya talaga si KitKat Favia

Sa ngayon, pinakakaabangan ng maraming netizens ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Ilan sa kanyang mga naakapanayam kamakailan sa Ogie Diaz inspires ay sina Richard Gomez at Janno Gibbs.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel