Skusta Clee, sinabing hindi uubra sa kanya ang pangbabastos

Skusta Clee, sinabing hindi uubra sa kanya ang pangbabastos

- Iginiit ni Skusta Clee na hindi siya nabastos sa ginanap na Hiraya Music Festival sa Camarines Sur kung saan isa siya sa mga nagtanghal

- Sa kanyang Facebook post kung saan kalakip ang isa sa mga nag-viral na post tungkol sa umano'y pambabastos sa kanya, iginiit niyang masaya sila sa event na iyon

- Pabiro din niyang sinabi na hindi din umano uubra sa kanya na bastusin siya at kasi pag nagkataon ay may lilipad umano na mic sa mukha ng babastos sa kanya

- Matapos ang pag-viral ng mga post tungkol sa kanya, may mga netizens na humingi ng dispensa sa kanya kaugnay sa umano'y pambabastos sa kanya habang kumakanta siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Skusta Clee, hindi naman siya nabastos kagaya sa mga lumabas sa mga social media posts ng ilang netizens. Iginiit niyang masaya sila sa ginanap na Hiraya Music Festival sa Camarines Sur.

Read also

Skusta Clee, trending matapos ang kanyang performance sa CamSur

Skusta Clee, sinabing hindi uubra sa kanya ang pangbabastos
Skusta Clee, sinabing hindi uubra sa kanya ang pangbabastos (facebook.com/hoodboycleezy)
Source: Instagram

Pabiro din niyang sinabi na hindi din umano uubra sa kanya na bastusin siya at kasi pag nagkataon ay may lilipad umano na mic sa mukha ng babastos sa kanya.

Hindi ako nabastos! Saya kaya namin! Saka di uubra sakin bastusin ako kasi may lilipad na mic sa mukha mo pag nagkataon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Daryl Jake Borja Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee ay isang Pinoy rapper, singer-songwriter, record producer, at member ng hip-hop group na Ex Battalion o Ex-B na sumikat sa kanilang hit single na "Hayaan Mo Sila." Kabilang sa pinasikat na kanta ni Skusta Clee ay "Zebbiana", "Pauwi Nako", at "Lagi".

Sa naunang post naman ni Skusta Clee sa Facebook, wala itong binanggit na pangalan ngunit may sinabihan ito ng "panget mo sumayaw." Muli siyang napabilang sa popular search sa Facebook kasunod ng kanyang maiksing Facebook post. Simula nang lumabas ang balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Zeinab ay kaagad na umaani ng atensiyon ang kanyang mga social media posts. Sa kanyang unang pahayag ay walang direktang sinabi si Skusta kaugnay kay Zeinab ngunit aniya ay mas natutunan niyang mahalin ang sarili niya.

Read also

Ogie Diaz kay Pia White na umano'y nakalaya na: "Magbago na kayo"

Nag trending din si Skusta Clee matapos ang kanyang nakakaintrigang Facebook post ngayong araw gamit ang kanyang personal na Facebook account. Sa naturang post ay wala itong binanggit na pangalan ngunit tungkol ito sa aniya'y taong nagloko din ngunit hindi lang umamin. Ilang oras matapos ang pag-post niya nito ay nasa "popular search" sa Facebook ang pangalang Skusta Clee. Agad na umani ng samu't-saring reaksiyon at komento ang kanyang post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel