Skusta Clee, trending matapos ang kanyang performance sa CamSur

Skusta Clee, trending matapos ang kanyang performance sa CamSur

- Trending si Skusta Clee sa social media matapos ang pagkalat ng mga post kaugnay sa umano'y pangbabastos sa kanya ng audience

- Isa lamang si Skusta sa mga artists na nagperform sa Hiraya Music Festival sa Camarines Sur

- Marami naman sa mga netizens ang nagkomento sa isa niyang post at humingi ng dispensa sa umano'y pambabastos sa kanya

- May mga nananatiling tagahanga pa rin si Skusta sa kabila ng mga pambabatikos sa kanya simula nang magkahiwalay sila ni Zeinab Harake

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Usap-usapan si Skusta Clee matapos ang kanyang naging performance sa Hiraya Music Festival sa Camarines Sur. May mga nag-post kasi na netizens tungkol sa umano'y pambabastos ng audience kay Skusta Clee.

Skusta Clee, trending matapos ang kanyang performance sa CamSur
Skusta Clee, trending matapos ang kanyang performance sa CamSur (facebook.com/hoodboycleezy)
Source: Instagram

Dahil dito, marami sa mga netizens ang nagkomento sa kanyang post at humingi ng dispensa sa inasal umano ng manonood.

Read also

Skusta Clee, sinabing hindi uubra sa kanya ang pangbabastos

Bilang isang bicolano humihingi ako ng tawad sa inasal ng aking kababayan labis na kahihiyan lamang para sa mga taga Cam Sur ang nangyari kaya bilang isang taga hanga mo humihingi po ako ng dispensa andito lang kaming taga suporta mo idol hindi ka namin kalilimutan.
Salamat sa pag bisita samin dito sa Bicol idol love ka padin naming solid fan mo lods kahit madaming nag mumura nag kokontra sayo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

RESPETO Skusta Clee !!! Bicolano ako pero isa ka talaga sa mga umangat ng rap sa Pinas saludo !

Si Daryl Jake Borja Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee ay isang Pinoy rapper, singer-songwriter, record producer, at member ng hip-hop group na Ex Battalion o Ex-B na sumikat sa kanilang hit single na "Hayaan Mo Sila." Kabilang sa pinasikat na kanta ni Skusta Clee ay "Zebbiana", "Pauwi Nako", at "Lagi".

Read also

Rica Peralejo sa komento na naka-diaper pa rin ang anak niya: "You do you, I do me"

Sa naunang post naman ni Skusta Clee sa Facebook, wala itong binanggit na pangalan ngunit may sinabihan ito ng "panget mo sumayaw." Muli siyang napabilang sa popular search sa Facebook kasunod ng kanyang maiksing Facebook post. Simula nang lumabas ang balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Zeinab ay kaagad na umaani ng atensiyon ang kanyang mga social media posts. Sa kanyang unang pahayag ay walang direktang sinabi si Skusta kaugnay kay Zeinab ngunit aniya ay mas natutunan niyang mahalin ang sarili niya.

Nag trending din si Skusta Clee matapos ang kanyang nakakaintrigang Facebook post ngayong araw gamit ang kanyang personal na Facebook account. Sa naturang post ay wala itong binanggit na pangalan ngunit tungkol ito sa aniya'y taong nagloko din ngunit hindi lang umamin. Ilang oras matapos ang pag-post niya nito ay nasa "popular search" sa Facebook ang pangalang Skusta Clee. Agad na umani ng samu't-saring reaksiyon at komento ang kanyang post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel