Rica Peralejo sa komento na naka-diaper pa rin ang anak niya: "You do you, I do me"

Rica Peralejo sa komento na naka-diaper pa rin ang anak niya: "You do you, I do me"

- Sinagot ni Rica Peralejo ang isang netizen na nagtanong kung bakit umano naka-diaper pa rin ang anak ni Rica na si Manu

- Aniya, hindi talaga niya pinipilit ang anak niyang matuto at hinihintay niya kung kailan magiging handa ang anak pagdating sa potty training

- May binahagi pa siyang pag-aaral tungkol sa maaring maging epekto ng pagpilit sa bata na matuto tungkol dito

- Marami naman sa mga netizens na parehas niyang ina ang nagbahagi ng kani-kanilang mga kwento

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Rica Peralejo, hindi niya pinilit na matuto ang anak pagdating sa potty training. Ito ay matapos ang pagkukuwestiyon ng isang netizen tungkol sa anak niya na naka-diaper pa rin.

Rica Peralejo sa komento na naka-diaper pa rin ang anak niya: "You do you, I do me"
Rica Peralejo sa komento na naka-diaper pa rin ang anak niya: "You do you, I do me" (@ricaperalejo)
Source: Instagram

May binahagi pa siyang pag-aaral tungkol sa maaring maging epekto ng pagpilit sa bata na matuto tungkol dito. Maari umanong magkaroon ng constipation dahil dito. Para naman kay Rica, sana ay irespeto na lang ang kanyang parenting.

Read also

Neri Miranda, hinangaan sa kanyang binahaging bagong investment

You do you, i do me ok respect for my style and respect for children’s developmental stage!

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagsimula si Rica Peralejo sa pag-aartista sa pamamagitan ng Ang TV. Naging bahagi din siya ng Gimik at Oka Tokat, Mula sa Puso, Marinella, Kay Tagal Kang Hinintay, Sineserye Presents: Palimos ng Pag-ibig, Sa Piling Mo at Pangarap na Bituin. Iniwan ni Rica ang pag-aartista upang matutukan ang kanyang pamilya. Biniyayaan sila ng kanyang asawang si pastor Joseph Bonifacio ng dalawang anak na lalaki.

Isa sa pinagpapasalamat umano ni Rica sa taong 2021 ay ang natanggap nilang bagong sasakyan lalo na at dumating umano ito sa panahong kailangan ng kanilang pamilya. Hindi na binanggit ni Rica kung kanino ito galing ngunit aniya ay ikukuwento niya ito sa susunod niyang mga vlog. Hindi naman maitago ng kanilang mga anak ang pagkakaroon nila ng bagong sasakyan lalo na ang kanilang panganay. Ani Rica, matagal na panahon din silang walang bagong sasakyan at akala umano nilang mag-asawa ay mabubulok na lang sa kanila ang sasakyan nila bago sila magkaroon ng bago.

Pinakita ni Rica ang ilang bahagi ng kanyang bahay matapos niya itong iparenovate. Kabilang sa kanyang pinakita ay ang kanilang garahe at ang kanyang gym room. Aniya, dalawang taon ding inabot bago niya tuluyang maipakita ang bahay na kanyang pina-renovate. Nakatakda pa umano niyang ibahagi ang ilan pang bahagi ng kanilang pinarenovate na bahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel