Madam Inutz, pinakilala sa netizens ang kanyang bagong manliligaw

Madam Inutz, pinakilala sa netizens ang kanyang bagong manliligaw

- Pinakilala ni Madam Inutz ang kanyang bagong manliligaw sa pamamagita ng kanyang mga social media posts kamakailan

- Aniya, hindi niya pa sasagutin ang kanyang manliligaw na si Tantan at kapag marami na umano siyang nababasang magagandang komento tungkol sa manliligaw ay saka lamang niya ito sasagutin

- Sa isang TikTok video naman ay kasama niya itong sumasayaw at nilinaw niyang sadyang malambot lang daw talaga ang katawan niya

- Pinabulaanan niya ang mga komento ng netizens na "paminta" umano ang kanyang bagong manliligaw

Ibinida ni Madam Inutz ang kanyang bagong manliligaw sa kanyang mga followers. Sa isang post ay sinabi niyang hindi niya pa sasagutin ang kanyang manliligaw na si Tantan.

Madam Inutz, pinakilala sa netizens ang kanyang bagong manliligaw
Madam Inutz
Source: Facebook

Aniya, kapag marami na umano siyang nababasang magagandang komento tungkol sa manliligaw ay saka lamang niya ito sasagutin.

Kung marami na ako nababasang good comment sayo NG mga inutz ko‼️ sasagutin kta‼️ kaya lovelife mo naka salalay sa kanila..Ooow….Jiiiieva

Read also

Ellie Ejercito, kinabiliban matapos nitong piliing sumama sa pagpupulot ng basura kesa mamasyal

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pagkatapos niyang ibahagi ang picture nila ng bagong manliligaw ay natawa na lamang umano si Madam Inutz sa mga reaksiyon at komento ng kanyang followers.

Mga inutz, meet tantan ang bago kong manliligaw. Owwww.....Jiiiieva❓ Hashtag tanutz parang NA tetanutz Lang!️ Nababasa ko mga comments nyo nakaraan kong post....Natatawa ako hahaha talaga bang nyominta tingin nyo SA kanya❓ nag aalanganin tuloy ako baka mamaya iisa Lang ang hinahanap namin.

Sa isang TikTok video naman ay kasama niya itong sumasayaw at nilinaw niyang sadyang malambot lang daw talaga ang katawan niya.

Hindi po sya paminta sadyang malambot lang po talaga katawan nya.

Si Daisy Lopez o Madam Inutz ay isang online seller na sumikat nang todo sa social media dahil sa kakaibang paraan niya ng pagbebenta ng mga ukay-ukay niyang paninda.

Read also

Kapatid ng sekyu na binundol ng SUV, emosyonal na naglabas ng sama ng loob

Lalong dumami ang kanyang tagasubaybay matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media kabilang na ang pagbenta niya ng aniya'y damit na pamburol. Sa kabila ng mga libo-libong viewers ay walang bumibili sa kanyang mga paninda. Kinalaunan, ito naman ang naging daan para sa mas makilala siya at nagbukas ng magagandang opportunidad para sa kanya.

Matatandaang nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang hindi nagustuhan ang kanyang desisyon at umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang huwag nang ituloy ang pagpapa-manage sa nasabing agency at napili niya si Wilbert Tolentino bilang maging manager niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel