Kapatid ng sekyu na binundol ng SUV, emosyonal na naglabas ng sama ng loob

Kapatid ng sekyu na binundol ng SUV, emosyonal na naglabas ng sama ng loob

- Naglabas ng sama ng loob ang kapatid ng security guard na binundol ng SUV sa Mandaluyong

- Sa programa ni Sen. Raffy Tulfo ay naibahagi niya ang sama ng loob sa mga taong nanghuhusga sa kanyang kapatid

- Aniya, may ilang netizens na nagsabing "modus" lang ng security guard ang pagpapabundol sa sasakyan

- Hindi nito napigilang maiyak habang nagbibigay ng mga bashers ng kanyang kapatid

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi napigilang maiyak ng kapatid ng security guard na binundol ng SUV sa Mandaluyong nang magbigay siya ng mensahe sa mga bashers ng kanyang kapatid na nagsasabing modus lang umano ng kapatid niya ang nangyari. Sinigurado niyang hindi sila papaareglo at itutuloy niya ang paghahanap ng hustisya para sa kapatid.

Kapatid ng sekyu na binundol ng SUV, emosyonal na naglabas ng sama ng loob
Photo: Screenshot from video of Miko Angelo Ramos
Source: Facebook

Sa programa ni Sen. Raffy Tulfo, naghayag ng kanyang saloobin ang kapatid ng sekyu. Minabuti nitong ikubli ang kanyang mukha dahil ayaw nilang malaman ng kanilang inang maysakit ang masaklap na nangyari sa kanyang kapatid.

Read also

Madam Inutz, emosyonal nang mag-unbox ng kanyang YouTube silver play button

Pinasalamatan naman nito ang lahat ng mga netizens na patuloy na nagpapahayag ng kanilang pagsuporta sa kanila. Kasalukuyan naman umanong nasa ospital pa sa ICU ang sekyu at medyo nahihirapan pang magsalita dahil sa fracture sa kanyang ribs.

Binigyan naman ni Sen. Tulfo ng P25,000 ang kapatid ng sekyu upang makatulong sa kanilang gastusin. Susuportahan umano ni Sen. Tulfo sila upang hindi sila papayag sakaling mag-aalok ng pang-areglo ang kampo ng driver ng SUV.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang nag-viral ang video ng isang security guard na binundol ng RAV-4 sa Mandaluyong habang nagmamando ng daloy ng trapiko. Umani ng matinding komento at reaksiyon mula sa publiko ang naturang insidente.

Kabilang si Senator JV Ejercito sa naghayag ng kanyang pagkondena sa nagmamaneho ng RAV-4 na bumundol at ginulungan ang security guard. Nag-alok siya ng pabuya na P50,000 para sa makakapagbigay ng impormasyon tungkol sa driver. Binigay niya rin ang ilang detalye ng SUV pati ang plate number nito.

Hindi dumalo sa LTO hearing ang driver ng RAV-4 kaya naglabas ng show-cause order ang LTO na nangangailangan ng kanyang presensiya sa LTO office. Dito ay pinagpapaliwanag ang driver bakit hindi siya dapat sampahan ng administrative case for reckless driving at kung bakit hindi dapat i-revoke ang kanyang lisensiya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel