Ana Jalandoni, sinabing nag-sorry na sa kanya si Kit Thompson

Ana Jalandoni, sinabing nag-sorry na sa kanya si Kit Thompson

- Naikwento ni Ana Jalandoni na pinadalhan siya ng mensahe ni Kit Thompson

- Nag-sorry na raw ito sa kanyang nagawa ngunit hindi naman na daw ito sinagot pa ng aktres

- Desidido ang kampo ni Ana na kasuhan si Kit sa umano'y pang-aabusong nagawa nito sa kanya

- Marso 17 nang huling magkasama ang dalawa sa Tagaytay kung saan naganap ang umano'y matinding pananakit ng aktor sa dating nobya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa panayam ni Boy Abunda kay Ana Jalandoni, nasabi ng aktres na nagpadala ng mnsahe sa kanya si Kit Thompson.

Ana Jalandoni, sinabing nag-sorry na sa kanya si Kit Thompson
Ana Jalandoni, sinabing nag-sorry na sa kanya si Kit Thompson (Photo: The Boy Abunda Talk Channel)
Source: Facebook

Ito ay matapos na magawa nito umanong saktan siya sa huling pagsasama nila noong Marso 17 sa Tagaytay.

Ayon kay Ana, sa Instagram lamang siya umano pinadalhan ng mensahe ni Kit na nagso-sorry sa nangyari. Hindi naman na raw ito sinagot pa ni Ana.

Read also

Ana Jalandoni, inakalang patay na siya sa tindi ng sinapit 'di umano kay Kit Thompson

"Nag-message siya thru Instagram to say sorry," ang sagot ni Ana nang matanong siya ni Boy Abunda kung sinubukan ba umano ni Kit na kausapin si Ana.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At kahit na tawagan pa siya ni Kit, lakas-loob niya itong kakausapin para ibulalas ang lahat ng sama ng loob at sakit ng sinapit niya rito.

Maaring mapatawad naman niya si Kit na sinabi niyang "in time," subalit nakasisiguro siyang hindi na niya ito babalikan kailanman.

Narito ang kabuuan ng detalye ni Ana Jalandoni na mapapanood sa The Boy Abunda Talk Channel:

Marso 17 nang gumulantang sa publiko ang marahas na sinapit ng model/actress na si Ana Jalandoni sa kamay ng nakarelasyon si Kit Thompson.

Nito lamang Marso 28 ay nagpa-press conference na si Ana Jalandoni kaugnay sa kontrobersyal na pananakit umano sa kanya ni Kit Thompson na noo'y umamin na sa kanya ng anger management issues nito kaya naman napayuhan na rin niya itong kumunsulta na sa eksperto.

Read also

Ana Jalandoni, isiniwalat ang umano'y pagbabanta sa kanya ni Kit Thompson

Kasama ang kanyang pamilya at abogado, sinabi ni Ana na selos 'di umano sa dati niyang asawa ang naging ugat ng matinding pananakit sa kanya ng aktor. Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag naman si Kit na nagbura na ng mga larawan nila ni Ana sa kanyang social media.

Samantala, si Kit Thompson ay isang aktor, model at TV host na unang nakilala nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 noong 2012. Naging bahagi agad siya ng ilang programa sa ABS-CBN nang makalabas siya sa bahay ni Kuya sa parehong taon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel