Ana Jalandoni, isiniwalat ang umano'y pagbabanta sa kanya ni Kit Thompson

Ana Jalandoni, isiniwalat ang umano'y pagbabanta sa kanya ni Kit Thompson

- Lakas-loob pa ring idinetalye ni Ana Jalandoni ang sinapit niya sa kamay ng dating kasintahang si Kit Thompson

- Bukod sa 'di umano'y pananakit nito sa kanya, nagawa pa siyang bantaan nito

- Nakiusap pa ang aktres na dalhin na siya sa ospital subalit tila nagkaroon pa ng isa pang round ng pananakit nito sa kanya

- Aminado si Ana na habang sinasaktan siya noon ni Kit, tila ibang tao na ang gumagawa nito sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabila ng kanyang sinapit sa kamay ng dati niyang kasintahang si Kit Thompson, buong tapang pa rin na idinetalye ni Ana Jalandoni ang nangyari noong Marso 17 sa Tagaytay.

Nalaman ng KAMI na ang inaakalang pahinga at pagre-relax ni Ana kasama ang minamahal niya noong si Kit Thompson ay mauuwi pala sa matinding pang-aabuso 'di umano nito sa kanya.

Read also

Ana Jalandoni, inakalang patay na siya sa tindi ng sinapit 'di umano kay Kit Thompson

Ana Jalandoni, isiniwalat ang pagbabanta sa kanya ni Kit Thompson
Ana Jalandoni, isiniwalat ang pagbabanta sa kanya ni Kit Thompson (Photo: The Boy Abunda Talk Channel)
Source: Facebook

Sa ikalawang bahagi ng interview ni Boy Abunda sa kanya, hindi na napigilang maiyak ni Ana habang inaalala ang mga nangyari sa araw na iyon.

Aminadong nakainom na sila nang bigla na lamang umanong mabanggit ni Kit ang tungkol sa pakikipaghiwalay ni Ana sa dati nitong naging asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Una muna nilang napag-usapan ang kasal at ang labis nilang pagmamahal sa isa't isa na mauuwi pala sa argumentong hahantong sa pananakit ng aktor sa kanyang nobya.

"Bigla na lang nagtanong siya sa'kin ng 'di ba iniwan mo 'yung ex mo? 'Di ba nakipaghiwalay ka sa kanya? 'Di ba iniwan mo siya?" tanong daw umano ni Kit kay Ana.

"'Pag iniwan mo ako, patayin kita. Akin ka lang hindi ka pwedeng mapunta sa iba," ang 'di umano'y pagbabanta at sumunod na nasabi ng aktor.

Read also

Ana Jalandoni, sinabing nag-sorry na sa kanya si Kit Thompson

Lagi naman umanong nasasabi ni Kit na "akin ka lang' kay Ana subalit ang pagbabanta ay unang beses lamang narinig ni Ana mula sa bibig ni Kit.

Sa kabila nitom nagawa pa umanong lumapit ni Ana kay Kit at hinagkan niya ito sa ulo bago siya nagtungo sa banyo at naisipang ipaalam sana sa best friend niya na kasama niya si Kit sa Tagaytay at sila ay nakainom.

Dahil walang signal, sinubukang lumabas ni Ana at nakarating siya ng third floor para makasagap ng signal at maipadala ang mensahe sa kaibigan.

Subalit ito pala ang magiging mitsa ng matinding galit ni Kit sa kanya na nauwi nga sa umano'y pananakit nito sa kanya makailang ulit nang gabing iyon.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ana mula sa The Boy Abunda Talk Channel:

Marso 17 nang gumulantang sa publiko ang marahas na sinapit ng model/actress na si Ana Jalandoni sa kamay 'di umano ng nakarelasyon nitong si Kit Thompson.

Read also

Ana Jalandoni, pansin ang pagka-iritable umano ni Kit Thompson patungo pa lang ng Tagaytay

Nito lamang Marso 28 ay nagpa-press conference na si Ana Jalandoni kaugnay sa kontrobersyal na pananakit umano sa kanya ni Kit Thompson na noo'y umamin na sa kanya ng anger management issues nito kaya naman napayuhan na rin niya itong kumunsulta na sa eksperto.

Sa unang bahagi ng panayam ni Boy Abunda kay Ana, naikwento nito kung paano nagsimula ang relasyon nila ng aktor na tumagal din naman ng ilang buwan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel