Ana Jalandoni, inakalang patay na siya sa tindi ng sinapit 'di umano kay Kit Thompson

Ana Jalandoni, inakalang patay na siya sa tindi ng sinapit 'di umano kay Kit Thompson

- Umiiyak na inalala ni Ana Jalandoni ang umano'y mapait na sinapit niya sa dating nobyong si Kit Thompson

- Inakala raw talaga niyang patay na siya sa tindi ng sakit mula sa umano'y pananakit ng aktor

- Kinailangan niyang kagatin ang sarili para lamang malamang may pakiramdam pa umano siya

- Sinubukan pa niyang tumayo at lumabas subalit ilang beses na rin siyang tumumba

- Naikwento rin niya kung paano siya nasagip at ang pagresponde ng pulisya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay isinalaysay ni Ana Jalandoni ang bawat pangyayari noong Marso 17 na gumulantang sa publiko.

Nalaman ng KAMI na inakala talaga ni Ana na patay na siya sa tindin ng sinapit 'di umano niya sa kamay ng nobyong si Kit Thompson.

Ana Jalandoni, inakalang patay na siya sa tindi ng sinapit 'di umano kay Kit Thompson
Ana Jalandoni, inakalang patay na siya sa tindi ng sinapit 'di umano kay Kit Thompson (Photo: The Boy Abunda Tlak Channel)
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, nasabi ni Ana na tila napapansin na niya ang biglaang pagbabago ng mood ng aktor na humahantaong din sa pag-aargumento nila.

Read also

Ana Jalandoni, isiniwalat ang umano'y pagbabanta sa kanya ni Kit Thompson

Isa na nga rito ang gabing pareho silang nakakainom at matapos pa umano nilang magsabi kung gaano nila kamahal ang isa't isa ay bigla nalang ipinasok ni Kit ang usapan ng pakikipaghiwalay ni Ana sa dati nitong asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos ito, nagawa pang magbanta ng aktor na siyang ikinatakot na ni Ana at naisipan nang mag-text sa best friend niya kung saan sila ni Kit dahil pareho silang nakakainom.

Sa kakahanap ng signal, umabot sa third floor si Ana na aminadong nakaidlip.

Nang makita siya ng guard, agad naman siyang dinala ni Kit sa kanilang silid at sa kasamaang palad, doon na siya nito sinimulang saktan.

"Sinungaling ka, iniwan mo ko," ang nasabi raw umano ni Kit habang patuloy na raw siya nitong sinasaktan.

"Tuloy-tuloy siya ng sampal sa mukha ko... Dalawang kamay. Nakalaban ako sa kanya, palabas ng room nahatak pa rin niya ako. Nakaladkad pa niya ako,"

Read also

Barbie Imperial, naluha nang inalala ang paghahanap sa ama

"Kit, tama na! Tama na, sabi ko sa kanya. Tama na Kit!" ang pagmamakaawa ni Ana sa nobyo na tila hindi na raw niya kilala habang ginagawa ang umano'y paulit-ulit na pananakit sa kanya nang gabing iyon.

"Nagsisigaw ako, nagtatako bakit walang kumakatok. Mga 2 na 'to e. Tulog ang tao yes pero maingay kami sa room," ayon kay Ana.

Nakiusap na rin noon si Ana na dalhin siya ni Kit sa ospital gayung wala na siyang makita subalit nakatulog pa raw itong nakayakap sa kanya.

Nang magising, ilang beses siyang natumba kaya hindi na siya nakalabas ngunit doon ang pagkakataong nakapagpadala siya ng mensahe umano sa editor niya na nagpapakita ng larawan niyang puro pasa na ang mukha.

Matapos ito, nagising na si Kit at nagawa pang ikuha siya ng pain reliever gayung ayaw pa rin siya nitong dalhin sa ospital.

Doon, mayroong guwardiya umano na naglakas-loob kumatok at inalam ang lagay ni Ana. Iyon pala, mayroon nang mga pulis na siyang dumampot kay Kit.

Read also

Barbie Imperial, inaming si Diego Loyzaga ang inakala niyang 'the one'

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ana mula sa The Boy Abunda Talk Channel:

Nito lamang Marso 28 ay nagpa-press conference na ang aktres na si Ana Jalandoni kaugnay sa kontrobersyal na pananakit umano sa kanya ng dating kasintahang si Kit Thompson.

Kasama ang kanyang pamilya at abogado, sinabi ni Ana na selos 'di umano sa dati niyang asawa ang naging ugat ng matinding pananakit sa kanya ng aktor. Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag naman si Kit na nagbura na ng mga larawan nila ni Ana sa kanyang social media.

Sa unang bahagi ng panayam sa kanya ni Boy Abunda, naikwento naman ni Ana kung paano nagsimula ang relasyon nila ni Kit Thompson.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel