Barbie Imperial, naluha nang inalala ang paghahanap sa ama

Barbie Imperial, naluha nang inalala ang paghahanap sa ama

- Emosyonal na inalala ni Barbie Imperial ang mga panahong pilit niyang hinahanap ang ama

- Naikwento niyang naglalakad siya ng malayo patungo sa village ng tirahan ng ama para lang makita kahit manlang ang paa nito mula sa gate

- Subalit aminado siyang habang naghahanap sa ama ay tila naisasantabi naman niya ang talagang naroon at hindi siya iniwan, ang kanyang ina

- Kamakailan lamang, napagtanto niya na mas lalo na lamang niyang pagtuunan ng pansin at panahon ang ina na laging nasa tabi lamang niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilang maluha ni Barbie Imperial nang maikwento niya kay Toni Gonzaga ang tungkol sa paghahanap niya sa kanyang ama.

Barbie Imperial, naluha nang inalala ang paghahanap sa ama
Barbie Imperial, naluha nang inalala ang paghahanap sa ama (Photo from Toni Gonzaga Studio)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bukod sa hirap ng buhay na dinanas ni Barbie nang sila ay nakatira pa noon sa gilid ng riles ng tren, isa rin sa pinasan noon ng aktres ay ang paghahanap ng kalinga ng isang ama.

Read also

Barbie Imperial, inaming si Diego Loyzaga ang inakala niyang 'the one'

Aniya, Grade 2 pa lamang siya noon nang sinadya niya ang ama at naglakad ng malayo patungo sa tirahan nito.

Kahit manlang daw sana paa nito mula sa gate ay kanyang makita subalit lagi siyang bigo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito raw marahil din ang dahilan kung bakit todo-todo siyang magmahal sa mga nagiging kasintahan dahil tila doon din niya hinahanap ang pagmamahal na mula sana sa ama.

"Pero na-realize ko na 'yung nanay ko yung nandiyan sakin buong buhay ko. Ta's parang nasasantabi ko siya so hinahanap ko 'yung wala. Itong pandemic last year sabi ko talaga, hindi ko na siya hahanapin. Kasi nandiyan naman 'yung nanay ko e. So ang ginawa ko nalang, nag-focus na lang ako sa nanay ko," naluluhang pahayag ni Barbie.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Toni Gonzaga Studio:

Read also

Bea Alonzo, ginamitan ng pangmalakasang acting ang pagpaprank niya sa mga kaibigan

Si Barbie Imperial ay isang aktres na unang napanood sa telebisyon nang sumali at maging housemate siya sa Pinoy Big Brother Teen Edition.

Una siyang nabigyan ng lead role sa teleseryeng 'Araw-Gabi' kung saan nakatambal niya si JM De Guzman.

Samantala, huli niyang nakarelasyon si Diego Loyzaga na isa ring aktor sa Pilipinas. Anak siya ng mga kilalang artista rin sa bansa na sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Nang makabalik si Diego mula sa bakasyon niya sa Amerika, nag-usap sila ni Barbie ukol sa kinahinatnan ng kanilang relasyon.

Minsan na ring naidetalye ng online personality na si Xian Gaza ang umano'y dahilan ng hiwalayan nina Barbie at Diego.

Matatandaang nito lamang Pebrero, inamin mismo ni Barbie na tapos na ang relasyon nila ni Diego na tumagal din ng ilang buwan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel