Barbie Imperial, inaming si Diego Loyzaga ang inakala niyang 'the one'

Barbie Imperial, inaming si Diego Loyzaga ang inakala niyang 'the one'

- Inamin ni Barbie Imperial na inakala niyang si Diego Loyzaga na ang lalaking pakakasalan niya

- Ganoon din naman umano siy Diego base sa mga bagay na napag-uusapan nila noon

- Sa ngayon, kahit ramadam pa umano nila ang pagmamahal sa isa't isa, minabuti nilang maging magkaibigan

- Masaya umano si Barbie sa buhay niya ngayon na mga kaibigan at pamilya ang madalas na nakakasama nakapagpaparamdam ng pagmamahal sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inamin ng aktres na si Barbie Imperial na inakala niya noong si Diego Loyzaga na ang 'The One' para sa kanya.

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga napag-usapan nila ni Toni Gonzaga nang makapanayam siya nito sa kanyang YouTube channel.

Barbie Imperial, inaming si Diego Loyzaga ang inakala niyang 'the one'
Barbie Imperial, inaming si Diego Loyzaga ang inakala niyang 'the one' (Photo from Toni Gonzaga Studio)
Source: Facebook

Kinumusta ni Toni ang kalagayan ng puso ni Barbie matapos ang realsyon nito kay Diego.

Read also

Bea Alonzo, ginamitan ng pangmalakasang acting ang pagpaprank niya sa mga kaibigan

Nakangiting sinabi naman ng aktres na magkaibigan sila at napag-usapan naman na ng maayos ang kanilang hiwalayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kahit ramdam pa rin naman umano nila ang pagmamahal para sa isa't isa, pinahalagahan na lamang nila ang kanilang pagiging magkaibigan.

"May mga conversations kasi kami ni Diego na akala din namin pareho 'yun na 'yun. Pero nagulo talaga 'yung relasyon namin. Siguro dahil too much din po 'yung exposure namin sa mga tao."

"E para sakin, 'pag sobrang alam na ng tao about sa personal na buhay na buhay niyo, parang kaya na rin nilang sirain," paliwanag ni Barbie.

"Nag-usap kami. Syempre nandun pa rin 'yung love. Hindi naman siya mawawala agad-agad talaga e,"

"And to think na plinano ko 'yung buhay ko kasama 'nung tao na 'yun. Na-feel ko rin sa kanya at sinabi rin niya naman. Siguro po for us, ganun namin ka-love ang isa't isa na hindi na muna namin ita-try," dagdag pa ni Barbie.

Read also

Ana Jalandoni, nasabing nagalit ang ex-husband sa nagawa ni Kit Thompson sa kanya

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Toni Gonzaga Studio:

Si Barbie Imperial ay isang aktres na unang napanood sa telebisyon nang sumali at maging housemate siya sa Pinoy Big Brother Teen Edition.

Una siyang nabigyan ng lead role sa teleseryeng 'Araw-Gabi' kung saan nakatambal niya si JM De Guzman.

Samantala, huli niyang nakarelasyon si Diego Loyzaga na isa ring aktor sa Pilipinas. Anak siya ng mga kilalang artista rin sa bansa na sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Nang makabalik si Diego mula sa bakasyon niya sa Amerika, nag-usap sila ni Barbie ukol sa kinahinatnan ng kanilang relasyon.

Minsan na ring naidetalye ng online personality na si Xian Gaza ang umano'y dahilan ng hiwalayan nina Barbie at Diego.

Matatandaang nito lamang Pebrero, inamin mismo ni Barbie na tapos na ang relasyon nila ni Diego na tumagal din ng ilang buwan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel