Ana Jalandoni, nasabing nagalit ang ex-husband sa nagawa ni Kit Thompson sa kanya

Ana Jalandoni, nasabing nagalit ang ex-husband sa nagawa ni Kit Thompson sa kanya

- Nagalit umano ang ex-husband ni Ana Jalandoni sa nagawa ng aktor na si Kit Thompson sa kanya

- Nakausap umano ito ni Ana matapos na tumawag nang mabalitaan ang iskandalo ng pananakit ng aktor

- Sinabi naman ni Ana na magkaibigan sila ng ex-husband kaya niya ito nakakausap

- Bukod dito, naidetalye rin ni Ana ang naging lagay ng relasyon niya sa ex-husband sa kung bakit din sila nagkahiwalay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa sa mga nailahad ni Ana Jalandoni sa panayam sa kanya ni Boy Abunda ay ang reaksyon umano ng kanyang ex-husband sa nangyari sa kanya sa kamay ng aktor na si Kit Thompson.

Nalaman ng KAMI na naitanong din ng Asia's King of Talks kay Ana ang tungkol sa ex-husband nito na pinakasalan siya noong 2017 subalit hiniwalayan din niya ng taong 2018.

Read also

Ana Jalandoni, inakalang bading si Kit Thompson bago niya ito makilala

Ana Jalandoni, nasabing nagalit ang ex-husband sa nagawa ni Kit Thompsom sa kanya
Ana Jalandoni, nasabing nagalit ang ex-husband sa nagawa ni Kit Thompsom sa kanya (Photo from The Boy Abunda Talk Channel)
Source: Facebook

Naikwento ni Ana na nakausap niya ang dating mister na 'galit' umano sa nagawa sa kanya ni Kit.

Nasabi rin ni Ana na magkaibigan pa rin naman sila ng dati niyang asawa na kaya nakumusta siya nito nang malaman ang matinding sinapit niya sa kamay ng aktor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa rin sa napag-usapan nila ni Boy Abunda ay ang naging lagay ng relasyon niya sa dating asawa na pinakasalan siya noong 2017.

Ayon kay Ana, biglaan umano ang lahat at inamin niyang bago siya pakasalan, nais na sana niyang makipaghiwalay.

Gayunpaman, nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang kasal noong 2018.

Narito ang kabuuan ng panayam ni Boy Abunda kay Ana Jalandoni mula sa YouTube channel nitong The Boy Abunda Talk channel:

Marso 17 nang gumulantang sa publiko ang marahas na sinapit ng model/actress na si Ana Jalandoni sa kamay ng nakarelasyon si Kit Thompson.

Read also

Ana Jalandoni, inaming dati na siyang nasaktan ni Kit Thompson

Nito lamang Marso 28 ay nagpa-press conference na si Ana Jalandoni kaugnay sa kontrobersyal na pananakit umano sa kanya ni Kit Thompson na noo'y umamin na sa kanya ng anger management issues nito kaya naman napayuhan na rin niya itong kumunsulta na sa eksperto.

Kasama ang kanyang pamilya at abogado, sinabi ni Ana na selos 'di umano sa dati niyang asawa ang naging ugat ng matinding pananakit sa kanya ng aktor. Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag naman si Kit na nagbura na ng mga larawan nila ni Ana sa kanyang social media.

Samantala, si Kit Thompson ay isang aktor, model at TV host na unang nakilala nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 noong 2012. Naging bahagi agad siya ng ilang programa sa ABS-CBN nang makalabas siya sa bahay ni Kuya sa parehong taon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel