Ana Jalandoni, inaming dati na siyang nasaktan ni Kit Thompson

Ana Jalandoni, inaming dati na siyang nasaktan ni Kit Thompson

- Inamin ni Ana Jalandoni na dati na siyang nasampal at nasigawan ni Kit Thompson

- Aniya, nagawa niya itong pagsabihan ng mahinahon noon at napalampas pa niya ang insidenteng iyon

- Subalit ang nangyari kamakailan kung saan nagtamo siya ng mga pasa at sugat ang pinakagrabeng nagawa sa kanya ng aktor

- Kamakailan, naglabas na ng pahayag si Ana sa pamamagitan ng press conference kasama ang kanyang pamilya at abogado

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inamin ng aktres na si Ana Jalandoni na ang kontrobersyal na pananakit sa kanya ng dating kasintahan na si Kit Thompson ay hindi unang beses na nangyari.

Ana Jalandoni, inaming dati na siyang nasaktan ni Kit Thompson
Ana Jalandoni ( Photo: Julius and Tintin/ One PH)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na dati na pala siya nitong nasigawan at nasampal dala umano ng pagkakaroon nito ng anger management issues.

Nang makapanayam siya sa programang 'Julius and Tintin', naikwento ni Ana na dati na siyang nasasaktan ng aktor dala umano ng selos.

Read also

Ana Jalandoni, humarap sa press sa unang pagkakataon para magbigay ng pahayag

"Meron na rin po. Nasampal na rin niya ako dati. Nasigawan na rin po, kasi nga po meron siyang anger management (issues). Pero lagi ko po siyang kinakausap ng kalmado, pinapaliwanagan. Para po hindi na niya ulitin. Ito po 'yung pinakagrabe po talaga."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"That time po kasi, nung sinampal niya po ako nag-sorry po siya agad. Pero sabi ko sa kanya, yung sorry mo matatanggap ko 'yun Pero 'yung pananakit mo sabi ko sa kanya, hindi. Ayusin mo 'yang ganyang pag-uugali, hindi 'yan maganda. Hindi maganda ang nananakit ng babae," pagdedetalye pa ni Ana.

Narito ang kabuuan ng pahayag niya mula sa One PH:

Nito lamang Marso 28 ay nagpa-press conference na ang aktres na si Ana Jalandoni kaugnay sa kontrobersyal na pananakit umano sa kanya ng dating kasintahang si Kit Thompson.

Read also

VP Leni, muntik nang ipabago ang venue ng rally sa Nueva Ecija: "Nakita ko, napakalaki!"

Kasama ang kanyang pamilya at abogado, sinabi ni Ana na selos 'di umano sa dati niyang asawa ang naging ugat ng matinding pananakit sa kanya ng aktor. Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag naman si Kit na nagbura na ng mga larawan nila ni Ana sa kanyang social media.

Samantala, si Kit Thompson ay isang aktor, model at TV host na unang nakilala nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 noong 2012. Naging bahagi agad siya ng ilang programa sa ABS-CBN nang makalabas siya sa bahay ni Kuya sa parehong taon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel