Ana Jalandoni, handang patawarin si Kit Thompson pero kailangan umano nitong managot

Ana Jalandoni, handang patawarin si Kit Thompson pero kailangan umano nitong managot

- Sa kanyang pahayag sa ginanap na presscon, handa umanong patawarin ni Ana Jalandoni si Kit Thompson

- Gayunpaman, aniya ay kailangang panagutan ni Kit sa batas ang umano'y pananakit na ginawa sa kanya

- Ayon sa abogado ni Ana na si Atty. Faye Singson, magsasampa pa muli sila ng dalawa pang kaso laban kay Kit

- Illegal detention ang isa sa kasong isasampa nila laban sa aktor na hanggang sa kasalukuyan ay wala pang nilalabas na pahayag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang pahayag sa press conference na naibahagi ng Bandera sa kanilang Facebook page, sinabi ni Ana Jalandoni na handa niyang patawarin si Kit Thompson pero kailangan umano nitong managot. Ayon sa abogado ni Ana na si Atty. Faye Singson, magsasampa pa muli sila ng dalawa pang kaso laban kay Kit.

Read also

Ana Jalandoni, humarap sa press sa unang pagkakataon para magbigay ng pahayag

Ana Jalandoni, handang patawarin si Kit Thompson pero kailangan umano nitong managot
Ana Jalandoni, nagsalita na sa isang presscon (screenshot from Bandera Facebook live)
Source: Facebook
"I’m willing to forgive Kit, but he has to face the consequences of his actions.”

Nang tanungin kung ano ang mensahe niya para sa nobyo: “Kit, fix yourself.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi din pinagkaila ni Ana na naroroon pa rin ang pagmamahal niya para sa nobyo. Gayunpaman, kailangan niya umanong ipagtanggol ang kanyang karapatan bilang isang babae.

Nabanggit din ni Ana ang tungkol sa kanyang ex na maari umanong naging dahilan ng pananakit sa kanya ni Kit. Ito ang unang pagkakataon na humarap si Ana sa media matapos ang pagkaka-rescue sa kanya sa isang hotel sa Tagaytay.

Si Kit Thompson ay nakilala sa showbiz nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 noong taong 2012. Naging bahagi siya ng ilang palabas sa ABS-CBN sa parehas ding taon. Si Kit ay isang Filipino-New Zealander na actor, model, at television host.

Read also

Ana Jalandoni, pinagtawanan ang bulaklak mula sa Cornerstone ayon kay Morly Alinio

Naging bahagi din siya ng pelikulang The Hows of Us noong 2018 na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Samantala, isa sa mga naiugnay kay Kit ay ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach. Gayunpaman, sa isang panayam ay pinabulaanan ni Kit na nagkaroon sila ng relasyon ng beauty Queen.

Matatandaang naging usap-usapan din ang pahayag ni Vice Ganda kung saan inamin niyang naasar siya noon kay Kit. Hindi umano ipinalabas ang episode na iyon ng GGV kung saan naging guest si Kit.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel