Ana Jalandoni, pinagtawanan ang bulaklak mula sa Cornerstone ayon kay Morly Alinio

Ana Jalandoni, pinagtawanan ang bulaklak mula sa Cornerstone ayon kay Morly Alinio

- Sa online show ni Cristy Fermin na Shownbiz Now Na! nakwento nila ng kanyang kasamahan ang tungkol sa naging reaksiyon umano ni Ana Jalandoni sa bulaklak na pinadala sa kanya ng Cornerstone

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Tinawanan lamang umano niya ang bulaklak na pinadala kasunod ng pagkakadala sa kanya sa ospital

- Ito ay matapos ang umano'y pananakit ng kanyang boyfriend na si Kit Thompson na nakasama niya sa isang hotel sa Tagaytay

- Si Kit ay sa ilalim ng pangangalaga ng talent management na Cornerstone Entertainment Inc.

Napag-usapan sa online show ni Cristy Fermin na Shownbiz Now Na! ang tungkol sa naging reaksiyon umano ni Ana Jalandoni nang makatanggap siya ng bulaklak mula sa Cornerstone. Ang Cornerstone Entertainment Inc. ang talent management na may hawak kay Kit Thompson.

Ana Jalandoni, pinagtawanan umano ang bulaklak na pinadala ng Cornerstone
Ana Jalandoni (@realanajalandoni)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ana Jalandoni, humarap sa press sa unang pagkakataon para magbigay ng pahayag

Ayon kay Morly Alinio, pinagtawanan lamang ni Ana ang bulaklak. Desisido umano ang kampo ni Ana sa kanyang pagsampa ng kaso laban sa boyfriend na si Kit Thompson. Ito ay matapos ang umano'y pananakit ng kanyang boyfriend na si Kit Thompson na nakasama niya sa isang hotel sa Tagaytay.

Matatandaang nag-viral ang balita tungkol sa pagsugod kay Ana sa ospital dahil sa umano'y pananakit ng aktor.

Matatandaang sa isang panayam ay sinabi ni Atty. Faye Singson na lubhang apektado ang paningin ng kanyang kliyente dahil sa umano'y pananakit ng aktor. Nabanggit din nito ang kanyang pagkondena ng umano'y pang-aabuso na nataon pa sa pagdiriwang ng Women's month.

Si Kit Thompson ay nakilala sa showbiz nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 noong taong 2012. Naging bahagi siya ng ilang palabas sa ABS-CBN sa parehas ding taon. Si Kit ay isang Filipino-New Zealander na actor, model, at television host.

Read also

Paolo at Yen, 'HHWW' sa isang mall sa kabila umano ng balitang hiwalay na sila

Naging bahagi din siya ng pelikulang The Hows of Us noong 2018 na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Samantala, isa sa mga naiugnay kay Kit ay ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach. Gayunpaman, sa isang panayam ay pinabulaanan ni Kit na nagkaroon sila ng relasyon ng beauty Queen.

Matatandaang naging usap-usapan din ang pahayag ni Vice Ganda kung saan inamin niyang naasar siya noon kay Kit. Hindi umano ipinalabas ang episode na iyon ng GGV kung saan naging guest si Kit.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel