Ana Jalandoni, humarap sa press sa unang pagkakataon para magbigay ng pahayag

Ana Jalandoni, humarap sa press sa unang pagkakataon para magbigay ng pahayag

- Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Ana Jalandoni kaugnay sa kasong isasampa niya kay Kit Thompson

- Kaugnay ito sa umano'y pananakit ng aktor sa kanya habang sila ay nasa isang hotel sa Tagaytay kung saan siya na-rescue

- Hindi napigilang maiyak ni Ana habang nagkukuwento kaugnay sa naganap na pananakit

- Dagdag pa niya, sa tingin niya ay iniisip ni Kit na iiwan din siya ni Ana at sobrang lasing din umano ang aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang press conference na ibinahagi ng Bandera, hindi pa rin napigilang maiyak ni Ana Jalandoni nang balikan niya ang dinanas umano niya sa kamay ng lalaking kanyang minahal, si Kit Thompson.

Nabanggit niya na sa tingin niya ay baka inisip ni Kit na iiwan din siya ni Ana kagaya sa nangyari sa ex ni Ana.

Read also

Judy Ann Santos, binalikan ang malakas na sampal ni Maricel Soriano sa kanya

Ana Jalandoni, humarap sa press sa unang pagkakataon para magbigay ng pahayag
Ana Jalandoni, nagsalita na sa isang presscon (screenshot from Bandera Facebook live)
Source: Facebook

Aniya, hindi ito ang unang pagkakataon na nasaktan siya ni Kit. Nag-sorry umano noong una pagkakataong iyon si Kit ngunit aniya, alam daw ni Ana na mali iyon.

Wala din umanong ginawa si Kit upang makipag-usap kay Ana upang makipag-areglo. Aniya, mahalaga sa kanya ay maipaglaban niya ang karapatan niya bilang isang babae at hindi daw katanggap-tanggap ang nagyari sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, aminado si Ana na pagdating sa kanyang damdamin para kay Kit, naroroon pa rin ang pagmamahal niya para sa aktor.

Si Kit Thompson ay nakilala sa showbiz nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 noong taong 2012. Naging bahagi siya ng ilang palabas sa ABS-CBN sa parehas ding taon. Si Kit ay isang Filipino-New Zealander na actor, model, at television host.

Read also

Ana Jalandoni, pinagtawanan ang bulaklak mula sa Cornerstone ayon kay Morly Alinio

Naging bahagi din siya ng pelikulang The Hows of Us noong 2018 na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Samantala, isa sa mga naiugnay kay Kit ay ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach. Gayunpaman, sa isang panayam ay pinabulaanan ni Kit na nagkaroon sila ng relasyon ng beauty Queen.

Matatandaang naging usap-usapan din ang pahayag ni Vice Ganda kung saan inamin niyang naasar siya noon kay Kit. Hindi umano ipinalabas ang episode na iyon ng GGV kung saan naging guest si Kit.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel