Judy Ann Santos, binalikan ang malakas na sampal ni Maricel Soriano sa kanilang eksena

Judy Ann Santos, binalikan ang malakas na sampal ni Maricel Soriano sa kanilang eksena

- Ayon kay Judy Ann Santos, napapadasal na lang siya na matapos na ang eksena kapag kaeksena niya noon si Maricel Soriano

- Maging si Meryll Soriano na pamangkin ni Maricel ay aminadong malakas talaga manampal ang kanyang tita

- Kwento pa ni Juday, napunta umano sa likod ang kanyang headband at tumabingi ang kanyang ribbon nang minsang makaeksena niya si Maricel at sinampal siya nito

- Gayunpaman, nakakatulong umano ito sa mas maayos na pagpapakita ng emosyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa tsikahan nina Meryll Soriano at Judy Ann Santos, napag-usapan nila ang tungkol sa ilang pagkakaiba ng mga baguhang artista sa kasalukuyan kung ikukumpara sa panahon nila noong mas bata pa sila.

Judy Ann Santos, binalikan ang malakas na sampal ni Maricel Soriano
Yohan Agoncillo and Judy Ann Santos (@officialjuday)
Source: Instagram

Nabanggit ni Judy Ann ang tungkol sa pagkakaroon ng isyu sa mga artista pagkatapos nilang magkasakitan sa eksena.

Kwento ni Merryl, kahit siya ay hindi nakaligtas sa malakas na sampal ni Maricel Soriano. Aniya, kahit pigil pa ang tita niya sa eksena nila dahil pamangkin niya si Meryll, pabiro niyang sinabing nabingi daw siya noon.

Naranasan naman umano ni Judy Ann na mapunta sa likod ng kanyang ulo ang kanyang headband at tumabingi ang kanyang ribbon matapos siyang sampalin ni Maricel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, hinding-hindi umano sila noon nagrereklamo. Ani Juday, napadasal na lang siyang matapos na ang eksena.

Sila umano noon, kahit gumimik sila ay papasok sila sa tamang oras sa sumunod na araw at kabisado na nila ang kanilang mga linya tuwing papasok sila.

Hindi din daw sila noon namimili ng taong pakikisamahan at pakikitunguhan nang maayos. Maging ang mga empleyadong hindi nakikita sa harap ng camera ay dapat daw pakitunguhan nang maayos.

Si Judy Ann Santos is ikinasal kay Ryan Agoncillo. Nagkakilala sila sa shooting ng TV series na Krystala noong 2004. Naging magkarelasyon sila nang sumunod na taon at na-engaged noong 2008. Sila ay mayroong tatlong anak. Sila ay sina Johanna Louis Agoncillo o mas kilala sa pangalang Yohan, Juan Luis Agoncillo o si Lucho at si Juana Luisa Agoncillo o Luna.

Kamakailan ay ibinahagi ni Judy Ann ang kanyang nararanasan bilang isang hands-on na business woman. Sa kabila ng kanyang pagiging abala sa negosyo at pamilya, hindi nito nakakaligtaan ang kanyang tungkulin bilang anak sa kanyang Mommy Carol.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel