Ana Jalandoni, inakalang bading si Kit Thompson bago niya ito makilala

Ana Jalandoni, inakalang bading si Kit Thompson bago niya ito makilala

- Inamin ni Ana Jalandoni na inakala niyang bading si Kit Thompson bago pa niya ito makilala

- Ikinuwento rin niya kasi kung paano sila nagkakilala ni Kit sa interview sa kanya ni Boy Abunda

- Nakumpirma lamang niya na straight si Kit na noo'y nagpaparamdam sa kanya nang sabihin ito ng isa nilang kaibigan

- Marso 17 nang gumulantang sa publiko na ang karahasang nagawa ni Kit kay Ana na matagal na pala nitong nagagawa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inakala ng modelo at aktres na si Ana Jalandoni na bading ang dating nakarelasyon na si Kit Thompson.

Ana Jalandoni, inakalang bading si Kit Thompson bago niya ito makilala
Ana Jalandoni, inakalang bading si Kit Thompson bago niya ito makilala (Photo: The Boy Abunda Talk channel)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa Instagram lamang nagkakilala ang dalawa at nagparamdam si Kit sa kanya sa pamamagitan ng mga komento at emoji nito sa kanyang post.

Hindi naman daw agad nagpakita ng interes si Ana sa aktor sa pag-aakalang hindi ito straight na lalake hanggang na nakumpirma lamang niya ito sa kanyang kaibigan.

Read also

Ana Jalandoni, inaming dati na siyang nasaktan ni Kit Thompson

Nagsimula naman umano sila bilang magkaibigan na tila napabilis ang kanilang pagiging magkasintahan nang ipakilala na agad siya ni Kit sa mga magulang nito kahit hindi pa sila noon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami rin naman daw silang napapagkasunduang bagay ng aktor at aminado siyang minahal naman niya ito lalo na at nilarawan naman niyag sweet si Kit at hinangaan din niya ang pagiging honest nito sa kanya.

Subalit ang bagay na naging problema nga nila ay ang anger management issues ng aktor na inamin naman pala niya kay Ana.

Inakala pa ni Ana na kahit na paano ay mauunawaan niya at matutulungan niyang magbago si Kit hanggang sa nangyari na nga ang kasukdulan noong Marso 17 na gumulantang sa publiko.

Narito ang kabuuan ng Part 1 panayam sa kanya ni Boy Abunda mula sa YouTube channel nito na The Boy Abunda Talk Channel:

Read also

Raffy Tulfo, inaming minsan nang nademanda dala ng pagiging isang media man

Nito lamang Marso 28 ay nagpa-press conference na ang aktres na si Ana Jalandoni kaugnay sa kontrobersyal na pananakit umano sa kanya ng dating kasintahang si Kit Thompson.

Kasama ang kanyang pamilya at abogado, sinabi ni Ana na selos 'di umano sa dati niyang asawa ang naging ugat ng matinding pananakit sa kanya ng aktor. Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag naman si Kit na nagbura na ng mga larawan nila ni Ana sa kanyang social media.

Samantala, si Kit Thompson ay isang aktor, model at TV host na unang nakilala nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 noong 2012. Naging bahagi agad siya ng ilang programa sa ABS-CBN nang makalabas siya sa bahay ni Kuya sa parehong taon

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel