Ryan Bang, humingi ng permiso sa asawa ni Yeng Constantino na pag-usapan ang past nila

Ryan Bang, humingi ng permiso sa asawa ni Yeng Constantino na pag-usapan ang past nila

- Marami ang humnga kay Ryan Bang sa pinakita nitong pagrespeto sa mister ni Yeng Constantino na si Victor Asunciom

- Kasama kasi ito ni Yeng nang mag-guest siya sa isang vlog episode na binahagi ni Ryan Bang

- Bago pa nila pag-usapan ang tungkol sa kanilang nakaraan, agad na humingi ng permiso si Ryan sa asw ni Yeng kung pwede nilang pag-usapan ang tungkol sa kanilang nakaraan

- Tumatawa lang din ang mister ni Yeng na tila nagbigay ng kanyang permiso

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod sa kanyang pagiging mas matatas na pananagalog, marami sa mga netizens ang nakapansin sa pagiging marespeto ni Ryan Bang. Nang makasama niya sa kanyang YouTube video si Yeng Constantino, maya't-maya itong humihingi ng permiso sa mister ni Yeng kung ayos lang na pag-usapan nila ang tungkol sa kanilang nakaraan.

Read also

Ryan Bang at Yeng Constantino, kinaaliwan sa bagong vlog episode ni Ryan

Ryan Bang, humingi ng permiso sa asawa ni Yeng Constantino na pag-usapan ang past nila
Ryan Bang (@ryanbang)
Source: Instagram

Ang tinutukoy nito ay ang naudlot na panliligaw ni Ryan kay Yeng noong 2010. Inakala ni Ryan na wala siyang pag-asa noon sa kanyang panliligaw kaya bigla na lamang itong huminto.

Ipinagtaka iyon ni Yeng dahil hindi niya alam kung bakit bigla na lang siya tumigil sa kanyang panliligaw.

Bago pa nila pag-usapan ang tungkol sa kanilang nakaraan, agad na humingi ng permiso si Ryan sa asw ni Yeng kung pwede nilang pag-usapan ang tungkol sa kanilang nakaraan. Tumatawa lang din ang mister ni Yeng na tila nagbigay ng kanyang permiso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.

Read also

Ryan Bang, hindi maitago ang pagkailang sa mister ni Yeng Constantino

Matatandaang agad na nag-viral ang video kamakailan sa isang episode ng It's Showtime matapos muling mapag-usapan ang umano'y naudlot na panliligaw ni Ryan kay Yeng Constantino. Nagulat na lang umano si Yeng na bigla na lang tumigil sa panliligaw si Ryan sa kanya. Lingid sa kaalaman ni Ryan, kinikilig na rin sa kanya noon si Yeng. Inakala niyang wala namang gusto sa kanya si Yeng dahil hindi umano ito sumasama sa kanya tuwing niyayaya niyang lumabas sila para gumimik.

Kasunod naman ng viral na video na ito ay napatawag umano si Ryan kay Jason Francisco. Ito ay para ikwento ang sinabi ni Yeng tungkol sa kanilang nakaraan. Ayon kay Melai, si Jason umano ang kasama noon ni Ryan tuwing manliligaw siya kay Yeng.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel