Ryan Bang at Yeng Constantino, kinaaliwan sa bagong vlog episode ni Ryan

Ryan Bang at Yeng Constantino, kinaaliwan sa bagong vlog episode ni Ryan

- Sa kanyang bagong YouTube video, nakasama ni Ryan bang si Yeng Constantino

- Habang kumakain ng pagkain na mula sa restaurant ni Ryan na nagtitinda ng mga Korean foods, masayang nag-usap ang dalawa

- Kapansin-pansin ang pagiging komportable ng dalawa na mag-usap lalo at matagal na rin silang nagkasama sa It's Showtime

- Naroroon din ang mister ni Yeng na nanonood habang ginagawa ang YouTube video ni Ryan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Para kay Ryan Bang, hindi umano siya nakaramdam ng pagkailang noon kay Yeng Constantino kapag nagkakasalubong sila. Pero nang makwento na ni Yeng ang kanyang saloobin sa pagtigil ni Ryan sa panliligaw sa kanya, doon umano nakaramdam ng pagkailan si Ryan.

Ryan Bang at Yeng Constantino, kinaaliwan sa bagong vlog episode ni Ryan
Ryan Bang (@ryanbang)
Source: Instagram

Masayang nakipagbiruan si Yeng at aprub din sa kanya ang pagkain sa restaurant ni Ryan na nagtitinda ng mga Korean foods. Kapansin-pansin ang pagiging komportable ng dalawa na mag-usap lalo at matagal na rin silang nagkasama sa It's Showtime.

Read also

Cong TV, sinabing 'fake news' ang post na kasama raw sila sa kampanya ng UniTeam

Marami naman ang natuwa sa naging kahinatnan ng kwento ng dalawa kaghit hindi sila nagkatuluyan:

I love how kuya yan being kind na sumama at makisama sa gantong scenario, kuddos kay kuya ryan na nag-aask ng permission!! And ate yeng na sobrang adorable huhuhu ang cute cute mo!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Finally! The long wait is over! Grabe! Buong video naka-smile lang ako...ang cute nilang dalawa. Sobrang good vibes! At nakakakilig din kasi talaga sila.
Ang cute ng mga reaksyon ni idol yeng..tawang tawa dun sa salita ng salita si ryan pero si yeng kay hubbby nakatingin..but i really love how the sportmanship they have..especially ang husband ni Yeng

Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.

Read also

Valentine Rosales, nag-sorry dahil sa kontrobersyal na 7-Eleven 'Story Time' niya

Matatandaang agad na nag-viral ang video kamakailan sa isang episode ng It's Showtime matapos muling mapag-usapan ang umano'y naudlot na panliligaw ni Ryan kay Yeng Constantino. Nagulat na lang umano si Yeng na bigla na lang tumigil sa panliligaw si Ryan sa kanya. Lingid sa kaalaman ni Ryan, kinikilig na rin sa kanya noon si Yeng. Inakala niyang wala namang gusto sa kanya si Yeng dahil hindi umano ito sumasama sa kanya tuwing niyayaya niyang lumabas sila para gumimik.

Kasunod naman ng viral na video na ito ay napatawag umano si Ryan kay Jason Francisco. Ito ay para ikwento ang sinabi ni Yeng tungkol sa kanilang nakaraan. Ayon kay Melai, si Jason umano ang kasama noon ni Ryan tuwing manliligaw siya kay Yeng.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel