Ryan Bang, hindi maitago ang pagkailang sa mister ni Yeng Constantino

Ryan Bang, hindi maitago ang pagkailang sa mister ni Yeng Constantino

- Sa kanyang bagong video sa kanyang YouTube channel, nakasama ni Ryan Bang si Yeng Constantino

- Kasama din ni Yeng ang kanyang mister na si Victor Asuncion at naonood lang ito habang nag-uusap ang dalawa

- Ilang beses namang nagpapaliwanag si Ryan na tila naiilang sa mister ni Yeng lalo at napag-usapan nila ang tungkol sa nakaraan

- Matatandaang nag-viral ang video ng dalawa kung saan binalikan nila ang naudlot na panliligaw ni Ryan kay Yeng noong 2010

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil sa marami ang nag-request, pinagbigyan ni Ryan Bang ang netizens sa kagustuhan ng mga ito na makasama ni Ryan sa kanyang vlog si Yeng Constantino. Kasama din ni Yeng ang kanyang mister na si Victor Asuncion at naonood lang ito habang nag-uusap ang dalawa.

Ryan Bang, hindi maitago ang pagkailang sa mister ni Yeng Constantino
Ryan Bang (@ryanbang)
Source: Instagram

Isa sa kanilang napag-usapan ay ang pangyayari noong 2010 sa naudlot na panliligaw ni Ryan. Ayon kay Ryan, kung si Yeng ay nailang noon siya umano ay hindi nakaramdam ng pagkailang.

Read also

LJ Reyes, nagbahagi ng life update matapos ang limang buwan

Nailang na lamang umano siya nang makwento na ni Yeng ang tungkol sa kanyang saloobin nang bigla na lang tumigil manligaw si Ryan.

Ilang beses namang nagpapaliwanag si Ryan na tila naiilang sa mister ni Yeng lalo at napag-usapan nila ang tungkol sa nakaraan. Gayunpaman, tawang-tawa lang din mister ni Yeng.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento naman ni Yeng, hindi halos nagagalit ang kanyang asawa at mabibilang niya sa kanyang daliri ang pagkakataon na nakita niya itong nagalit.

Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.

Matatandaang agad na nag-viral ang video kamakailan sa isang episode ng It's Showtime matapos muling mapag-usapan ang umano'y naudlot na panliligaw ni Ryan kay Yeng Constantino. Nagulat na lang umano si Yeng na bigla na lang tumigil sa panliligaw si Ryan sa kanya. Lingid sa kaalaman ni Ryan, kinikilig na rin sa kanya noon si Yeng. Inakala niyang wala namang gusto sa kanya si Yeng dahil hindi umano ito sumasama sa kanya tuwing niyayaya niyang lumabas sila para gumimik.

Kasunod naman ng viral na video na ito ay napatawag umano si Ryan kay Jason Francisco. Ito ay para ikwento ang sinabi ni Yeng tungkol sa kanilang nakaraan. Ayon kay Melai, si Jason umano ang kasama noon ni Ryan tuwing manliligaw siya kay Yeng.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel