Lola ni Jake Zyrus, muli umanong pinaalis ng inang si Raquel ayon sa 'Showbiz Now Na'

Lola ni Jake Zyrus, muli umanong pinaalis ng inang si Raquel ayon sa 'Showbiz Now Na'

- Muli umanong napaalis ni Raquel Pempengco ang ina niyang si Tess Pineda matapos niya itong tanggapin mula nang ma-Tulfo

- Naikwento ni Morly Alinio ng 'Showbiz Now Na' na bali-balita umano sa Laguna na wala na ang lola ni Jake Zyrus sa poder ng ina nito

- Naaawa umano sina Cristy Fermin sa sinapit ni 'Lola Tessie' lalo na at ito umano ang nagsasakripisyo at kasa-kasama ni Jake sa pagsali noon sa mga singing contest

- Nababahala rin sila na hanggang ngayon ay hindi magkakasundo ang lola, ina at mismong si Jake

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa sa mga napag-usapan sa 'Showbiz Now Na' ni Cristy Fermin ay ang sinapit ng lola ni Jake Zyrus na si Tess Pineda.

Nalaman ng KAMI na wala na muli ito sa poder ng ina ni Jake na si Raquel Pempengco na noo'y nagbukas ng pinto sa kanya matapos umanong ma-Tulfo.

Read also

Ogie Diaz, naikwento ang pagiging good influence ni Herbert sa pag-aaral ni Ruffa

Lola ni Jake Zyrus, muli umanong pinaalis ng inang si Raquel ayon sa 'Showbiz Now Na'
Lola ni Jake Zyrus, muli umanong pinaalis ng inang si Raquel ayon sa 'Showbiz Now Na'
Source: UGC

Kwento ni Morly Alinio na bahagi rin ng YouTube channel ni Cristy, bali-balita umano sa Cabuyao, Laguna ang umano'y pagpapaalis ni Raquel sa ina na ngayo'y nasa pangangalaga naman ng kanyang kapatid.

"May chismis pa nga diyan, dun sa Cabuyao, kinuha ni Mommy Raquel si Mommy Tess matapos pumunta kay Tulfo. Aba, after one week, pinaalis ulit si Nanay, pinadala doon sa kapatid," pahayag ni Morly.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Nagpanggap-panggapan lang na kinalinga nung nanay," komento ni Cristy.

Mismong si Morly na raw ang nagtanong kay Raquel kung nasaan ang ina na sinabing mas gusto raw talaga sa kanyang kapatid.

Naikwento rin ni Cristy na nakakausap umano niya si Lola Tessie na humihingi ng tulong sa kanya at aminadong kinakapos sa pera.

"Ang akin lang, ito yung matanda na nag-alaga sa'yo. Noong ikaw ay nakikipagsuntukan pa lang sa buwan bilang singer, kasama mong nagpupuyat nagpapagod, anong kinahig ni Nanay Tessie?"

Read also

Juliana Parizcova sa kanyang bashers: "Mukhang mahihirapan kayong asarin ako"

"Kung babalansehin naman natin 'yung isyu, may dapat din namang kuwestiyunin si Charice (Jake). 'Yung lahat ng kinita niya, hindi niya nakita... ano naman ang napunta kay Nanay Tessie, wala nga," dagdag pa ni Cristy.

Kaya naman nakalulungkot umanong isipin na magkakahiwalay ang tatlo at hindi pa umano nagkakasundo hanggang ngayon.

Narito ang kabuuan ng kwentuhan nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika sa kanilang 'Showbiz Now Na':

Si Jake Zyrus ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa Little Big Star kung saan hindi man siya nanalo, naging daan ito upang makilala siya sa iba pang panig ng mundo.

Naging sikat siya at nakapag concert sa iba't-ibang panig ng mundo nang makasama siya ni David Foster na tumulong sa kanya. Kinalaunan, napagpasyahang palitan ni Charice ang kanyang pangalan kaya siya ay kilala na bilang si Jake Zyrus.

Sa naunang ulat ng KAMI, naging usap-usapan ang ina ni Jake na si Raquel Pempengco matapos siyang nireklamo sa programa ni Raffy Tulfo ng kanyang sariling ina. Matapos ang pag-uusap ng mga-ina, nagpatawaran muli sila at tinanggap niya ang kanyang ina sa kabila ng naging akusasyon nito laban kay Raquel.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel