Juliana Parizcova sa kanyang bashers: "Mukhang mahihirapan kayong asarin ako"

Juliana Parizcova sa kanyang bashers: "Mukhang mahihirapan kayong asarin ako"

- May mensahe si Juliana Parizcova Segovia sa mga taong walang tigil umano ang pamba-bash sa kanya

- Aniya, mahihirapan lamang ang mga ito na asarin siya kaya naman hinahayaan lang niya ang mga ito

- Dagdag pa niya kung masaya raw ang mga ito at magiging produktibo sa kanilang pambabash sa kanya

- Matatandaang kamakailan ay gumawa ng ingay sa social media si Juliana dahil sa parody video na umano'y base sa kontrobersyal na video ni Angelica Panganiban

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tila dedma lang umano si Juliana Parizcova Segovia sa kanyang mga bashers na hindi umano tumitigil sa pambabatikos sa kanya.

Juliana Parizcova sa kanyang bashers: "Mukhang mahihirapan koyong asarin ako"
Juliana Parizcova sa kanyang bashers: "Mukhang mahihirapan koyong asarin ako"
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa isang video na ibinahagi ng Ogie Diaz Showbiz Update, naglabas ng saloobin si Juliana sa kanyang mga bashers.

"'Dun sa mga bashers, naku! Mukhang mahihirapan kayong asarin ako. Charot! Tuloy-tuloy lang. Kung masaya kayo sa ginagawa niyo at feeling niyo nagiging productive 'yung araw-araw niyong buhay sa pamba-bash, Go! Pero kung hindi, good luck," ang matapang na pahayag ni Juliana.

Read also

Juliana Parizcova, pinabulaanan na dinedma siya ni Vice Ganda Sa MIQ Philippines

Matatandaang gumawa ng ingay kamakailan si Juliana sa social media dahil sa umano'y parody video na hango sa kontrobersyal na video naman ni Angelica Panganiban patungkol sa paalala nito sa kung sino ang dapat na iboto.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, narito ang kabuuan ng pahayag ni Juliana mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Juliana Parizcova Segovia o TJ Ortega sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz nang tanghaling Miss Q & A grand winner sa noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2018.

Kamakailan, gumawa ng ingay sa social media dahil sa isang parody video niya na dinagsa ng pambabatikos ng marami.

Matatandaang si Juliana rin ang nagtanggol sa kaibigang si Benda Mage na noo'y nasa Pinoy Big Brother House pa bilang isang celebrity housemate.

Read also

Mirror selfie ni Sue Ramirez bago ang matinding eksena sa TBMV, kinagiliwan online

Idinaan ni Juliana sa isang Facebook post ang saloobin niya tungkol sa mga nangyayari sa kaibigan. Ayon kay Juliana, mas madaling maitutuwid ni Brenda ang mga sa tingin ng tao'y mali nitong nagagawa kung nasa labas siya ng bahay ni Kuya.

Gayunpaman, naging bahagi pa rin ng Final 5 celebrity edition si Brenda Mage kasama nina Madam Inutz, Samantaha Bernardo at ang Top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel