Juliana Parizcova, pinabulaanan na dinedma siya ni Vice Ganda Sa MIQ Philippines

Juliana Parizcova, pinabulaanan na dinedma siya ni Vice Ganda Sa MIQ Philippines

- Pinabulaanan ni Juliana Parizcova ang bali-balitang dinedma umano siya ni Vice Ganda sa Miss International Queen

- Aniya, siya pa umano mismo ang lumapit sa kanyang Meme Vice

- Nagbeso pa raw umano sila at nagyakapan kaya imposibleng nagdedmahan umano sila

- Naging maingay ang pangalan ni Juliana kamakailan dahil sa parody video na umano'y base sa kontrobersyal na video ni Angelica Panganiban

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mismong si Juliana Parizcova Segovia ang nagsalita at sinabing walang katotohanan umano'y pandededma sa kanya ni Vice Ganda sa Miss International Queen Philippines.

Juliana Parizcova, pinabulaanan na dinedma siya ni Vice Ganda Sa MIQ Philippines
Juliana Parizcova, pinabulaanan na dinedma siya ni Vice Ganda Sa MIQ Philippines
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na pinabulaanan ni Juliana ang nabalita at sinabing siya mismo umano ang lumapit kay Vice Ganda para batiin ito.

"Ako 'yung lumapit kay Meme, nagbeso kami, nagyakapan kami, So wala pong katotohanan 'yung mga lumalabas na hindi ako pinansin ni Meme Vice," pahayag ni Juliana na ibinahagi naman sa Showbiz Update ni Ogie Diaz.

Read also

Juliana Parizcova sa kanyang bashers: "Mukhang mahihirapan kayong asarin ako"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sana 'wag din tayong nagpapaniwala sa mga fake news lalo na kung wala namang malinaw na ebidensya," paalala pa ni Juliana.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag na mapapanood sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Juliana Parizcova Segovia o TJ Ortega sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz nang tanghaling Miss Q & A grand winner sa noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2018.

Kamakailan, gumawa ng ingay sa social media dahil sa isang parody video na umano'y bases sa kontrobersyal na video ni Angelica Panganiban.

Samantala, si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at respetadong showbiz reporter.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang mga YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Read also

Mirror selfie ni Sue Ramirez bago ang matinding eksena sa TBMV, kinagiliwan online

Kamakailan, nag-trending ang pagho-host ni Ogie D ng "Leni-Kiko" tandem sa Iloilo.

Tinatayang mahigit 25,000 na katao ang umano'y nakadalo sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem. Una na rin silang pumunta sa Cebu bago ang kanilang kampanya sa Iloilo.

Gayundin ang pagho-host ni Ogie D sa campaign rally ng mga Kakampink sa Bulacan na dinaluhan naman ng nasa 45,000 na supporters ng grupo nina "Leni at Kiko."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel