Juliana Parizcova Segovia, trending dahil sa kanyang parody video

Juliana Parizcova Segovia, trending dahil sa kanyang parody video

- Usap-usapan ngayon ang video na ibinahagi ng VinCentiments ni Direk Darryl Yap kung saan tampok si Juliana Parizcova Segovia

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Base sa nasabing video, tila parody video ito ng kontrobersiyal na video ng Young Public Servants kung saan si Angelica Panganiban ang nagsasalita

- Sa video ni Angelica, nagbiga siya ng paalala sa mga botante na 'Huwag magpapabudol, at huwag sa magnanakaw'

- Samantala, sa video naman ni Juliana aniya, 'Ingat sa mga pa-victim'

Naging usap-usapan ang video ni Juliana Parizcova Segovia na ibinahagi ng VinCentiments ni Direk Darryl Yap. Base sa nasabing video, tila parody video ito ng kontrobersiyal na video ni Angelica Panganiban mula sa Young Public Servants.

Juliana Parizcova Segovia, trending dahil sa kanyang parody video
Juliana Parizcova Segovia (@juliana_parizcova)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Enchong Dee, boluntaryo na umanong sumuko sa NBI Quezon City

Sa video ni Angelica, nagbiga siya ng paalala sa mga botante na 'Huwag magpapabudol, at huwag sa magnanakaw.'

“Sa ganda kong ‘to? Hindi ko deserve. Hindi mo rin deserve. It’s not worth it! I’ve learned my lesson. Kaya sana, ikaw rin. Iwasan na natin ang mga manloloko. Ingat-ingat sa mga tao. Kilatising mabuti ang mga mañliligaw.

Dagdag pa niya, dapat umanong alamin at tingnan ang character references.

Halughugin ang bi0data mula high school hanggang college. Alamin at tingnan ang character references. Huwag magpapabudol, at huwag sa magnanakaw," ani Angelica.

Samantala, sa video naman ni Juliana aniya, 'Ingat sa mga pa-victim.'

Wala mang binanggit na mga pangalan, naging dahilan ito ng muling pagbangayan ng mga supporters nina VP Leni Robredo at Bongbong Marcos.

Si Juliana Parizcova Segovia o TJ Ortega sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz nang tanghaling Miss Q & A grand winner sa noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2018.

Read also

Yeng Contantino, ibinahagi ang pag-camping nila ng mister

Ang Miss Q & A ay isang patimpalak sa It's Showtime para sa mga miyembro ng LGBTQ community. Inamin naman ni Juliana sa isang panayam na naubos na ang kanyang 1 milyong piso na napanalunan sa nasabing patimpalak.

Matapos makilala sa mundo ng showbiz, napasama si Juliana sa mga events ng mga celebrities kagaya na lamang ng ABS-CBN Ball kung saan naging usap-usapan din ang kanyang outfit.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang pagrereklamo ng kapitbahay niya sa kanya sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa umano'y ginawa niyang pandudura.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel