Juliana Parizcova Segovia, inireklamo ng kanyang kapitbahay
- Idinulog ng isang dalaga ang kanyang reklamo sa komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia sa programa ni Raffy Tulfo
- Kaugnay ito sa umano'y pangdudura ng komedyante sa kanya at dalawang beses na umano itong nangyari
- Napag-alamang nakainuman pala ng nasabing dalaga si Juliana at nagkaharap na rin sila sa barangay
- Hindi naman nakalampas kay Idol Raffy ang pagkakamali sa panig ng nagrereklamo na isang menor de edad at nakikipag-inuman
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang video footage ang ibinahagi sa programa ni Raffy Tulfo na Raffy tulfo in Action na umano'y nagpapakita ng pagdudura ng komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia sa isang dalaga.
Salaysay ng nagrereklamong dalaga, dalawang beses na umano siyang dinuraan ni Juliana sa mukha ng dalaga.
Sa paghaharap umano nilang dalawa sa barangay, humingi ng dispensa si Juliana at hindi umano niya alam kung bakit niya nagawa iyon.
Napag-alaman ni Idol Raffy na kainuman pala ni Juliana ang nagrereklamong dalaga. Kaya naman hindi niya pinalagpas ni Idol Raffy ang pagkakamali ng dalaga dahil kung pagbabasehan ang mga pinapatupad na batas, bawal pang lumabas at makipag-inuman lalo at menor de-edad pa ito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Juliana Parizcova Segovia o TJ Ortega sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz nang tanghaling Miss Q & A grand winner sa noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2018.
Ang Miss Q & A ay isang patimpalak sa It's Showtime para sa mga miyembro ng LGBTQ community. Inamin naman ni Juliana sa isang panayam na naubos na ang kanyang 1 milyong piso na napanalunan sa nasabing patimpalak.
Matapos makilala sa mundo ng showbiz, napasama si Juliana sa mga events ng mga celebrities kagaya na lamang ng ABS-CBN Ball kung saan naging usap-usapan din ang kanyang outfit.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh