Pagdalo sa graduation ng pumanaw na college student, tinupad pa rin ng pamilya

Pagdalo sa graduation ng pumanaw na college student, tinupad pa rin ng pamilya

- Labis ang pagdadalamhati ng pamilya ni Hemenz Luzada na pumanaw isang araw bago ang kanyang graduation

- Ayon sa kanyang kasintahan, matagal nang pinapangarap ni Hemenz na makapagtapos sa kolehiyo

- Kaya naman pinagsumikapan niya ito kahit siya pa ay naging working student

- Sa kanyang burol, itinuloy ng kanyang pamilya at kasintahan ang pinaka-aasam na graduation

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang emosyonal at kakaibang graduation ni Hemenz Luzada, ang college student na pumanaw isang araw bago ang kanyang graduation.

Nalaman ng KAMI na inatake umano ito sa puso na siyang dahilan ng kanyang biglaang pagpanaw.

Hunyo 25 nang makitang wala nang buhay si Hemenz. Kinabukasan sana, Hunyo 26 ang pinakahihintay niyang araw ng kanyang Pagtatapos.

Pagdalo sa graduation ng pumanaw na college student, tinupad pa rin ng pamilya
Ang mga magulang ni Hemenz kasama ang kanyang kasintahan (Photo from Vanesa Encila)
Source: Facebook

Kwento ng kanyang kasintahan na si Vanesa Encila sa panayam ng GMA News, sinikap talaga ni Hemenz na makapagtapos sa kolehiyo.

Read also

Ethel Booba, todo-iyak matapos mabiktima ng prank ng kumare nya

Pinagsabay nito ang kanyang pag-aaral ng kursong Business Administration Major in Financial Management sa trabaho.

Labis ang hinagpis ng kanyang ina na nilarawan siyang "pinakamabait." Wala rin umanong bisyo si Hemenz kaya naman masasabing isang mabuting anak talaga ito.

At dahil alam ng kanyang mga mahal sa buhay ang kahalagahan ng pagtatapos sa kolehiyo ni Hemenz, tinupad pa rin nila ito sa kanilang munting paraan.

Sa kanya mismong burol, isinagawa nila ang munting programa ng animo'y totoong gradutaion rites na nagaganap.

Ngunit dahil wala na ang anak, tanging ang kanyang mga magulang ang nagsuot ng kanyang toga at nagpakuha ng larawan kasama ang nakahimlay nang anak.

Narito ang kabuuan ng video na ibinahagi ng naiwan niyang kasintahan na si Vanesa:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tunay na kahanga-hanga ang mga working student na nagsusumikap maigapang lamang ang kanilang pagtatapos sa kolehiyo.

Read also

Rendon Labador, nilinaw na hindi niya pino-promote ang karahasan

Isa na rito ang jeepney driver na matiyagang namamasada mayroon lamang siyang panggastos sa pag-aaral. Kamakailan, nakatapos na rin siya at labis na ipinagpapasalamat ang hanapbuhay na naging bahagi ng kanyang tagumpay.

Gayundin ang nag-viral na delivery rider na nagagawa ang regular na trabaho habang siya ay nasa kolehiyo. Umani siya ng papuri dahil kahit nagtapos na sa pag-aaral, 'di muna siya basta bumitiw sa trabaho habang naghihintay pa ng iba pang oportunidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica