Ethel Booba, todo-iyak matapos mabiktima ng prank ng kumare nya
- Isang prank ang plinano ni Ethel Booba kasama ang kanyang asawa at kapatid ng kanyang kumare na may-ari ng isang cafe
- Ang mga gamit nilang baso at mga kubyertos ay mamahalin kaya umabot sa hanggang 8,000 ang presyo ng isang tasang kape
- Gayunpaman, naiyak na lamang si Ethel matapos sabihin ng kumare niyang ang nabasag niyang mug ay tunay at hindi peke
- Nakahinga lang siya nang maluwag nang sabihin ng kanyang kaibigan na reverse prank pala iyon
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hindi napigilang maiyak ni Ethel Booba matapos niyang akalaing nakabasag siya ng mug na nagkakahalaga nang 378,000 pesos.
Sa cafe na pagmamay-ari ng kumare niya, ipinakita nila ang koleksiyon ng mamahaling mugs na siyang ginagamit sa nasabing cafe.
Binalak ni Ethel na i-prank ang kanyang kumare sa pamamagitan ng pagbasag ng isang pekeng mug na kamukha ng tunay na mug nila.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Gayunpaman, makikitang sobrang nabahala si Ethel nang sabihin ng kumare niya na tunay ang basong kanyang nabasag. Ani Ethel babayaran na lamang nila ang basong nabasag niya.
Napaupo si Ethel nang mapagtantong malaki ang kanyang babayaran. Lingid sa kanyang kaalaman, na-prank lang din pala siya ng kanyang kumare.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Ethel Gabison ay kilalang komedyante at singer. Siya ang tinanghal na kauna-unahang kampiyon ng Tawag ng Tanghalan: Celebrity Edition.
Kaya naman umalma siya nang akusahan siyang ginamit lamang niya ang ABS-CBN kasunod ng kanyang paglabas ng saloobin laban sa Kapamilya network.
Naging usap-usapan din kamakailan ang kanyang kakaibang mga halaman sa loob ng bahay. Kagaya ng ibang mga plantita, ibinahagi niya ang kanyang mga tanim kagaya ng talong, malunggay at iba pang gulay.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh