Jose Hallorina, muling ibinalik ang video niya tungkol kay Nanay Josie
- Muling ibinalik ng vlogger na si Jose Hallorina ang video kung paano niya nakilala si Nanay Josie
- Nakita niya itong namamalimos habang tulak-tulak ng isang mama na ayon kay Nanay Josie ay hindi niya ka-ano-ano
- Marami ang naantig sa kalagayan ng matanda na bukod sa walang tinutulugang bahay ay may sakit pa at hindi makalakad
- Matatandaang nagkasagutan noon sina Jose at Donnalyn kaugnay sa isyung ito ngunit nagkausap umano sila at nagkasundo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Usap-usapan ngayon ang video ni Jose Hallorina na kanyang ibinalik sa kanyang YouTube channel. Matatandaang tinanggal niya ito noon matapos ang kasagkasagan ng isyu nila ni Donnalyn Bartolome.
Sa nasabing video ay naging emosyonal si Jose habang kausap si Nanay Josie dahil sa kalagayan nito. Natutulog lamang ito sa kuliglig at pinakita niya rin ang kanyang tinutuluyan kay Jose.
Matatandaang nagbigay noon ng tulong si Jose kay nanay at kinuhanan sioya ng bahay na mauupahan pansamantala.
Sa kanyang isa pang video ay sinabi ni Jose na pumanaw na si Nany Jose. Isang taon na umano ang nakakaraan nang mapag-alaman nila ang tungkol sa pagpanaw niya.
Personal daw nilang nakita ang kalagayan ng matanda.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nakilala ang YouTuber na si Jose Hallorina sa kanyang video na nagpapakita ng mga social experiments at pagtulong sa iba't-ibang tao.
Nauna nang nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Jose at Donnalyn nang makausap at tinulungan ni Jose ang isang matandang kanyang nakita sa lansangan.
Nagpakilala itong lola umano ni Donnalyn. Matapos mag-viral ang video na binahagi ni Jose, inalmahan iyon ni Donnalyn. Kinalaunan ay kapwa na burado ang mga video nila DOnnalyn at Jose kaugnay sa isyu.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh