Ogie Diaz sa sunod-sunod na project ni Gerald Anderson: "Sino tayo para kumuwestiyon?"
- Nagbigay komento si Ogie Diaz patungkol sa napapansin umano ng netizens na sunod-sunod na proyekto ni Gerald Anderson
- Ito ay dahil sa bago nitong teleserye na pagbibidahan nila nina Ivana Alawi at Sam Milby
- Ani Ogie D, bidahin at bentahin naman umano si Gerald at tila nababagay naman talaga sa role na kanyang ginagampanan
- Maari rin na ang ilan pang mga artista ay hindi pa rin talaga tumatanggap ng mga proyekto dahil pa rin sa COVID-19 at mga lock-in tapings
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Marami umano ang tila nagtataka kung bakit sunod-sunod ang proyekto ng Kapamilya star na si Gerald Anderson.
Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs sa kanilang Showbiz Update.
Ayon kay Mama Loi, tila maraming netizens ang nagtatanong kung bakit tila sunod-sunod at hindi nababakante si Gerald Anderson na bibida na naman sa teleserye nila ni Ivana Alawi at Sam Milby.
Paliwanag ni Ogie Diaz, maaring dahil umano ito sa pinirmahang kontrata ni Gerald sa ABS-CBN.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Merong ganito ah, may ilang teleserye na pinirmahan ni Gerald. Kunwari, two series in one year, so kailangang i-fulfill sa kanya yun ng ABS-CBN. Ganun 'yun"
Dagdag pa nito, bidahin at bentahin naman umano si Gerald na talagang binabagayan ng mga roles na naibibigay sa kanya.
Isa rin sa mga rason ni Ogie D ay ang mga artista na hindi pa rin handang maglock-in taping bilang pag-iingat sa COVID-19.
Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan sa isyung ito na mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:
Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at respetadong showbiz reporter.
Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang mga YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.
Kamakailan, nag-trending ang pagho-host ni Ogie D ng "Leni-Kiko" tandem sa Iloilo.
Tinatayang mahigit 25,000 na katao ang umano'y nakadalo sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem. Una na rin silang pumunta sa Cebu bago ang kanilang kampanya sa Iloilo.
Gayundin ang pagho-host ni Ogie D sa campaign rally ng mga Kakampink sa Bulacan na dinaluhan naman ng nasa 45,000 na supporters ng grupo nina "Leni at Kiko."
Source: KAMI.com.gh