Ogie Diaz, sinabing perfect match sa pagdating sa pag-arte sina Bea at Alden

Ogie Diaz, sinabing perfect match sa pagdating sa pag-arte sina Bea at Alden

- Nasabi ni Ogie Diaz na perfect match pagdating sa acting performance sina Bea Alonzo at Alden Richards

- Isa kasi sa napag-usapan nila sa kanyang Showbiz Update ang tungkol sa komento ni Bea na mahusay na aktor si Alden

- Ani Ogie, hindi naman dapat na ma-insecure si Bea kay Alden gayung mahusay din siyang aktres

- At bilang acting coach, kumpiyansa si Ogie na talagang match ang husay ni Bea at Alden na magkatambal ngayon sa proyekto sa kanila ng GMA

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nasabi ni Ogie Diaz na match ang acting performance nina Alden Richards at Bea Alonzo.

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa kanilang napag-usapan nina Mama Loi at Dyosa Pockoh sa kanilang pinakabagong Showbiz Update.

Ogie Diaz, sinabing perfect match sa pagdating sa pag-arte sina Bea at Alden
Ogie Diaz, sinabing perfect match sa pagdating sa pag-arte sina Bea at Alden (@aldenrichards02)
Source: Instagram

Sa isa umanong panayam kay Bea, nabanggit ng bagong Kapuso actress ang tungkol sa husay ni Alden sa pag-arte at inamin daw nitong kinabahan siya sa workshop pa lang.

Read also

Mylene Dizon, dumalo sa campaign rally ni Leni Robredo sa Cavite; "Ayun ako o!"

Subalit ayon kay Ogie, hindi naman daw dapat na kabahan si Bea gayung isa rin naman itong mahusay na aktres.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Magaling talaga siya (Alden) napanood ko siya sa 'Hello, Love Goodbye, sila ni Kathryn... Hindi kailangang ma-insecure ni Bea Alonzo kay Alden Richards... Aba'y magaling din naman si Bea na umarte," paliwanag ni Ogie.

Sina Alden at Bea kasi ang lead stars sa Pinoy version ng KDrama na Start-Up.

Ayon pa kay Ogie, bilang isang acting coach, perfect match ang tambalan nina Bea at Alden na pakaaabangan umano ng mga Kapuso.

Narito ang kabuuan ng pahayag mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at respetadong showbiz reporter.

Read also

Alyssa Valdez, trending matapos na ipakita ang pagsuporta kay VP Leni Robredo

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang mga YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Kamakailan, nag-trending ang pagho-host ni Ogie D ng Leni-Kiko tandem sa Iloilo.

Tinatayang mahigit 25,000 na katao ang umano'y nakadalo sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem. Una na rin silang pumunta sa Cebu bago ang kanilang kampanya sa Iloilo.

Bukod sa ilan pang mga kilalang artista na boluntaryong sumusuporta sa kampanya ni VP Leni, lalong nagbigay kasiyahan sa nasabing pagtitipon ang pagtatanghal ni Ely Buendia na kilalang supporter ni Robredo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel