Ogie Diaz, kung bakit wala si Toni G sa grupo nina Angel Locsin; "'Di naman sila sobrang close"

Ogie Diaz, kung bakit wala si Toni G sa grupo nina Angel Locsin; "'Di naman sila sobrang close"

- Marami umano ang nagtataka at nagtatanong kung bakit wala si Toni Gonzaga sa larawan ng grupo nina Angel Locsin kamakailan

- Ayon kay Ogie Diaz, hindi naman umano ganoon ka-close si Toni sa mga taong nasa larawan

- Marahil hinanap lang daw si Toni ng mga tao gayung nakasama nito sina Angel at Bea Alonzo sa pelikulang '4 sisters and a wedding'

- Dagdag pa ni Mama Loi, hindi raw part si Toni ng circle of friends ng nasa larawan nina Bea at Angel

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa sa mga napag-usapan nina Tita Jegs, Mama Loi at Ogie Diaz sa kanilang pinakabagong Showbiz Update ay ang viral photos nina Angel Locsin, Dimples Romana, Bea Alozo, Anne Curtis, at Angelica Panganiban.

Ogie Diaz, kung bakit wala si Toni G sa grupo nina Angel Locsin; "'Di naman sila sobrang close"
Ogie Diaz, kung bakit wala si Toni G sa grupo nina Angel Locsin; "'Di naman sila sobrang close" (@beaalonzo/ @celestinegonzaga)
Source: Instagram

Marami umano ang nagtataka kung bakit wala si Toni Gonzaga sa naturang larawan.

Read also

Ogie Diaz, muling nabanggit ang pagsuporta niya sa kandidato nang walang bayad

"Actually tinatanong 'yan sa isang tweet. Bakit daw wala si Toni, sinadya bang wala doon si Toni, ako ang pagkakaalam ko hindi naman sila 'yung sobrang close," paliwanag ni Ogie Diaz na sinegundahan naman ni Mama Loi ng "hindi siya part ng circle."
"Ang alam ko, dati nagkakabisistahan yan. Kaya lang may picture taking dahil marami na sila, kumpleto yata sila. Pero si Toni Gonzaga kasama sa barkadahan nina Angelica Panganiban, Angel Locsin, Dimples Romana, Bea Alonzo, at Anne Curtis... Hindi!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Feeling ko, sa movie lang na ano 'yun... '4 Sisters and a wedding'" dagdag pa ni Ogie gayung kasama nina Bea at Angel si Toni.

"Anyway, 'wag na nating pag-isipan pa yan. 'Pag nakakakita tayo ng mga ganito kalalaking artistang magkakasama sila ibiga sabihin, walang arti-artista sa kanila. Lahat sila magkakaibigan at marami namang ganyan. 'yung iba hindi lang nila pini-picturan dahil 'yung iba, ayaw lang nila ng intriga."

Read also

Karla Estrada nang kumustahin ni Mama Loi; "Kayo ha, kung ano-ano pinaparinig niyo sa'min"

Narito ang kabuuan ng video mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at respetadong showbiz reporter.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang mga YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel