Aiko Melendez, kinilabutan sa biglang nakita ni Jovi Vargas: "May sumusunod sa'yong bata"

Aiko Melendez, kinilabutan sa biglang nakita ni Jovi Vargas: "May sumusunod sa'yong bata"

- Kinilabutan si Aiko Melendez sa umano'y biglang nakita ng celebrity psychic na si Jovi Vargas

- Napansin niya kasing bigla itong napahinto sa kalagitnaan ng kanilang interview habang nakatingin sa kung saan

- Ayon pa kay Aiko, tila nararamdaman niya ito gayung ayon kay Jovi sinusundan siya ng nakitang bata

- Bago matapos ang video, sinabi ni Jovi na na-prank niya si Aiko subalit mayroon talaga siyang nakita

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kitang-kita na talagang kinilibutan si Aiko Melendez sa umano'y biglang nakita ng celebrity psychic na si Jovi Vargas sa kalagitnaan ng kanilang interview.

Nalaman ng KAMI na naimbitahan ni Aiko si Jovi para ibigay ang mga nakikita nitong maaring maganap sa taong 2022.

Subalit sa kalagitnaan ng interview, biglang napahinto si Jovi habang nakatingin sa 'di kalayuan.

Aiko Melendez, kinilabutan sa biglang nakita ni Jovi Vargas: "May sumusunod sa'yong bata"
Aiko Melendez (@aikomelendez)
Source: Instagram

Agad naman siyang tinanong ni Aiko ng "Hala, may nakikita ka rito sis?"

Read also

Aiko, sa umano'y nagkatotoong hula kay Ruffa Gutierrez: "Na sila ni Herbert?"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Oo, hindi ano lang, para lang siyang nanonood," sagot naman ni Jovi.

Bata raw ito ayon kay Jovi kaya naman lalong kinilabutan si Aiko. Subalit, hindi na nagpagambala pa si Jovi na itinuloy ang interview.

Ngunit bago matapos ang video, muli umanong naramdaman ni Aiko ang sinasabing nakita ni Jovi.

Sinabi pa nito bago umalis na ,"Aiko may sumusunod sa'yong bata."

"Kanina pa siya nanonood," dagdag pa ni Jovi bago niya sabihing 'it's a prank."

Hindi raw totoong sumusunod ito kay Aiko ngunit mayroon daw talaga siyang nakita sa lugar kung saan ginanap ang interview nila ni Aiko.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Aiko Melendez YouTube channel:

Si Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang Filipina actress sa bansa. Taong 2018 nang makamit niya ang best supporting actress para sa pelikulang “Rainbow’s Sunset.” Naging konsehal din siya ng ikalawang distrito ng Quezon City at nanilbihan sa loob ng siyam na taon hanggang 2010.

Read also

Francine Diaz, diretsang sinabi na wala siyang boyfriend; "I’m a single lady"

Sa ngayon, abala rin si Aiko sa paghahanda sa muli niyang pagtakbo bilang konsehal sa Quezon City.

Matatandaang noong 2021, naging agaw-eksena ang kanyang mga larawan na mukha lamang teenager. Marami ang humanga sa aktres na paganda nang paganda kaya naman marami na rin ang nag-aabang sa kanya sa kanyang YouTube channel na mayroon nang mahigit 700,000 na subscribers.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel