Aiko, sa umano'y nagkatotoong hula kay Ruffa Gutierrez: "Na sila ni Herbert?"

Aiko, sa umano'y nagkatotoong hula kay Ruffa Gutierrez: "Na sila ni Herbert?"

- Natuwa si Aiko Melendez nang idetalye ng celebrity psychic na si Jovi Vargas ang tungkol sa love life ni Ruffa Gutierrez

- Hiningan kasi siya ni Aiko ng kahit isa na nagkatotoo umano na hula niya sa showbiz

- Doon niya nasabi ang tungkol kay Ruffa Gutierrez at kay Herbert Bautista

- Naitanong din ni Aiko kung magkakatuluyan ang dalawa lalo na at deserve naman ng kanyang kumare na si Ruffa ang lumigaya lalo na at napakabuti raw nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naaliw si Aiko Melendez nang malamang isa sa mga 'di umano'y nagkatotoong nahulaan ni Jovi Vargas ay ang tungkol sa love life ni Ruffa Gutierrez.

Nalaman ng KAMI na hiningan ni Aiko ng kahit isang sitwasyon si Jovi kung saan nagkatotoo umano ang naging prediksyon nito.

Aiko, natuwa nang idetalye ni Jovi Vargas ang nagkatotoo sa love life ni Ruffa Gutierrez
Aiko Melendez (@aikomelendez)
Source: Instagram

Agad nitong nasambit at pangalan ni Ruffa at sinundan naman ito ni Aiko ng "na sila ni Herbert?"

Read also

Aiko Melendez, kinilabutan sa biglang nakita ni Jovi Vargas: "May sumusunod sa'yong bata"

Napapalakpak naman agad si Jovi at sinabing "hindi ako nagsabi non!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit matapos ito, idinetalye naman ang pagkonsulta sa kanya ni Ruffa.

"Hindi pa sila... Pagka-pangalawang punta niya, kasi the day before punta ulit siya e. Pag-ganon ko, teka muna boyfriend mo na 'to no? Tawa siya," kwento ni Jovi sa naging pag-uusap nila ni Ruffa.

Naitanong naman ni Aiko kung si Herbert na ba ang makakatuluyan ni Ruffa lalo na at deserve namang sumaya ng kanyang kumare.

Nasabi ni Jovi ang tungkol sa past ng aktor na maaring maging hadlang sa relasyon ng dalawa maliban na lamang kung mapaninindigan daw ito ni Herbert.

Narito ang kabuuan ng kanilang masayang interview mula sa Aiko Melendez YouTube channel.

Si Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang Filipina actress sa bansa. Taong 2018 nang makamit niya ang best supporting actress para sa pelikulang “Rainbow’s Sunset.” Naging konsehal din siya ng ikalawang distrito ng Quezon City at nanilbihan sa loob ng siyam na taon hanggang 2010.

Read also

Bernadette Sembrano, napahagulgol nang makita ang mga kasamahan sa ABS-CBN

Sa ngayon, abala rin si Aiko sa paghahanda sa muli niyang pagtakbo bilang konsehal sa Quezon City.

Matatandaang noong 2021, naging agaw-eksena ang kanyang mga larawan na mukha lamang teenager. Marami ang humanga sa aktres na paganda nang paganda kaya naman marami na rin ang nag-aabang sa kanya sa kanyang YouTube channel na mayroon nang mahigit 700,000 na subscribers.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel