Alex Gonzaga, kinaaliwan sa video niyang "Teacher for a Day" kasama ang Kramer kids

Alex Gonzaga, kinaaliwan sa video niyang "Teacher for a Day" kasama ang Kramer kids

- Kinaaliwan ang video ni Alex Gonzaga na pinamagatang "Teacher for a Day" kasama ang Kramer kids

- Pumunta siya sa bahay nina Cheska at Doug Kramer para maging teacher ng mga anak nilang sina Kendra, Scarlet at Gavin Kramer

- Matapos ang kanilang study time sa classroom ng mga bata na naroroon din sa mismong bahay nila, pumunta sila sa play area ng mga bata kung saan naroroon ang slide at ball pit

- Bilang kilala sa kanyang likas na pagiging mapagbiro, maging ang mga bata ay natuwa din sa kanilang Teacher AG

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami sa mga netizens ang natawa sa kalokohan ni Alex Gonzaga sa kanyang ibinahaging "Teacher for a Day" kasama ang Kramer kids. Siya mismo ang pumunta sa bahay ng mga Kramer para maging teacher ng mga bata.

Read also

Vice Ganda, labis na napasaya ang mga kasama sa bahay noong Kapaskuhan

Alex Gonzaga, kinaaliwan sa video niyang "Teacher for a Day" kasama ang Kramer kids
Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Matapos ang kanilang study time sa classroom ng mga bata na naroroon din sa mismong bahay nila, pumunta sila sa play area ng mga bata kung saan naroroon ang slide at ball pit. Bilang kilala sa kanyang likas na pagiging mapagbiro, maging ang mga bata ay natuwa din sa kanilang Teacher AG.

Sa katunayan ay tinanong pa siya ni Gavin kung kailan siya babalik.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito naman ang komento ng mga netizens na nakapanood ng video na ito ni Alex:

Si Ate Alex yung tipong hindi OA yung title ng mga vlogs niya, simple lang yung mga title pero pag pinanood mo talagang LT
Nakakatanggal ka talaga ng pagod Alex! Thank you! More videos please!
Pwede din po ba mag enroll? Parang ang saya nyo po maging teacher HAHAHA

Read also

Ara Mina, super sweet sa birthday message niya kay Sharon Cuneta: "I love you more than ever ate"

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 11 million na subscribers sa kasalukuyan.

Naibahagi kamakailan ni Alex ang kanyang karanasang mahablutan ng cellphone habang nasa EDSA. Nabawi naman niya ang kanyang telepono at minabuti niyang patawarin na lamang ang snatcher.

Samantala, matapos lumabas ang bali-balitang nakunan si Alex, binahagi nila ng kanyang asawa ang tungkol sa pangayayari. Kinumpirma nilang hindi natuloy ang kanyang pagbubuntis at naging emosyonal sila lalo at masayang-masaya sila sa pag-aakalang magkakaroon na sila ng anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel