Ara Mina, super sweet sa birthday message niya kay Sharon Cuneta: "I love you more than ever ate"

Ara Mina, super sweet sa birthday message niya kay Sharon Cuneta: "I love you more than ever ate"

- Nagbigay ng super sweet na birthday message si Ara Mina sa kanyang Ate Sharon Cuneta

- Sa kanyang socmed post, ibinahagi rin ni Ara ang isa sa mga naging bonding moments nila ng Megastar

- Ayon pa kay Ara, hindi lamang kapatid ang turing niya kay Sharon, ninang niya rin ito at kumare

- Kasama ni Ara si Sharon sa teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin, ang FPJ's Ang Probinsyano

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Super sweet ng birthday message ni Ara Mina sa kanyang Ate Sharon Cuneta na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Enero 6.

Nalaman ng KAMI na binalikan din ni Ara ang mga unang pagkakataong nakasama niya ang kanyang idolo na ngayo'y co-star na niya sa teleseryeng FPJ Ang Probinsyano.

Ara Mina, super sweet sa birthday message niya kay Sharon Cuneta: "I love you more than ever ate"
Ara Mina with Sharon Cuneta (@therealaramina)
Source: Facebook

"Bata pa lang ako hinahangaan na kita kaya I will never forget this time na magkasama tyo... Remembering this never seen before duet and i still remember yung duet natin nung unang guesting ko sa Sharon show mo sa abs kumanta ako ng Mr DJ then sinabayan mo ko sobrang nanginginig ako dahil sa magkahalong saya at tense," pagbabalik-tanaw ni Ara.

Read also

Joey Marquez, natupad ang wish na baby girl ang maging unang apo kay Winwyn

Kaya naman dream come true raw talaga ang makasama ang Megastar na ngayo'y nakaka-bonding pa niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"It's a dream come true na makasama ka sa work. Wala pa tayong eksenang 2 naiiyak na ko paano pa kaya kung meron na. I felt more closer to you now, iba pala pag mas matagal ka kasama, very overwhelming my ate"

Kaya naman excited na raw muling makasama ni Ara ang kanyang Ate Sharon sa kanilang susunod na lock-in taping.

Narito ang kabuuan ng post kung saan ibinahagi rin ni Ara ang kanilang bonding moment ni Sharon habang nagbi-videoke:

Si Ara Mina ay isang aktres at naging recording artist din. Kapatid niya ang aktres na si Christine Reyes.

Kamakailan lang ay inamin ng aktres na nasa dating stage sila ni Dave Almarinez. Sa kabila ng intriga, hindi nagpaapekto ang aktres at tuloy-tuloy lang sa pamamahagi ng tulong sa gitna ng pandemya.

At noong June 30 ng nakaraang taon, ginanap ang napakagandang kasal nina Dave at Ara sa Baguio City.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel