Joey Marquez, natupad ang wish na baby girl ang maging unang apo kay Winwyn

Joey Marquez, natupad ang wish na baby girl ang maging unang apo kay Winwyn

- Sa kanyang binahaging gender reveal video, binahagi din ni Winwyn Marquez ang mga mensahe ng malalapit niyang pamilya

- Hiling ng kanyang amang si Joey Marquez, babae ang maging unang apo niya sa anak na si Winwyn

- Kaya naman, hindi maitago ng komedyante ang kanyang galak nang tuluyan nang ilabas ni Winwyn at ng kanyang partner na babae nga ang kanilang anak

- Matatandaang sa pamamagitan ng isang vlog ay isinapubliko ng dating beauty queen ang tungkol sa kanyang pagbubuntis

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi lamang si Winwyn Marquez at ang kanyang partner ang natuwa na babae ang pinagbubuntis ni Winwyn. Sa kanyang ibinahaging gender reveal video, binahagi din ni Winwyn Marquez ang mga mensahe ng malalapit niyang pamilya.

Joey Marquez natupad ang wish na baby girl ang maging unang apo kay Winwyn
Winwyn Marquez (@teresitassen)
Source: Instagram

Hiling ni Joey Marquez na maging babae ang unang apo sa anak na si Winwyn. Kaya naman isa siya sa masayang-masaya nang putukin na ng soon-to-be-parents ang balloons na naglalaman ng pink na confetti na nangangahulugang babae ang kanilang baby.

Read also

Kakaibang wedding reception sa Quezon City, viral sa social media

Narito ang reaksiyon ng mga netizens:

Juice colored! naiyak ako nung naghug si Sir Joey, Ma'am Alma and Ma'am Wynwyn huhu I'm 23 y/o and loves watching Palibhasa Lalake, my happy pill simula 2021 hanggang ngayon huhu. congrats po, Ma'am Wynwyn. Happy new year baby is coming 2022... Pogi din ng daddy kht nka blurd ung mukha..

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Congrats wyn and partner praying for your healthy and safe pregnancy ! At sa mga marites n may HAKA HAKA CONGRATS sa inyo dahil isang malaking X obviously d nyo kilala yung partner nya
Congrats!!! Mukhang mabait at gwapo si daddy. Lol! Next, daddy reveal naman! Muntik akong maiyak noong nagyakap silang tatlo ni Joey, Alma and Wynwyn.

Si Teresita Ssen Lacsamana Marquez o mas kilala sa kanyang screen name na Winwyn Marquez ay isang actress, model, dancer at beauty queen na kinoronahan bilang Reina Hispanoamericana 2017 sa Santa Cruz, Bolivia noong November 4, 2017.

Read also

Alex Gonzaga, pinakita ang behind-the-scenes ng kanilang pelikulang Exorsis

Anak siya ng komedyanteng si Joey Marquez at Alma Moreno. Kamakailan ay kinaaliwan ang sayaw ng mag-inag Winwyn at Alma.

Sinagot din ni Winwyn ang pang-uudyok sa kanya ng ilang netizens na sumali siya sa Miss Universe.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel