Kakaibang wedding reception sa Quezon City, viral sa social media

Kakaibang wedding reception sa Quezon City, viral sa social media

- Marami ang naaliw sa kakaibang wedding reception ng mag-asawang dating miyembro ng cheerleading team

- Imbes kasi na bouquet ay ang bride at ang maid of honor ang inihagis at kabilang din ang groom sa naghagis sa kanila

- Dating mga miyembro ng UP Pep Squad ang bride at ang kanyang maid of honor na nagkampiyon noong 2010 at 2011 sa UAAP cheeardance competition

- Agad na nag-viral ang kanilang mga pictures at video na kuha sa reception ng kanilang kasal

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Umani ng samu't-saring reaksiyon ang videos at pictures na kuha sa wedding reception ng mag-asawang dating miyembro ng cheerleading team. Imbes kasi na bouquet ay ang bride at ang maid of honor ang inihagis at kabilang din ang groom sa naghagis sa kanila.

Kakaibang wedding reception sa Quezon City, viral sa social media
Digital Surf (@digitalsurfstudio)
Source: Instagram

Dating mga miyembro ng UP Pep Squad ang bride at ang kanyang maid of honor na nagkampiyon noong 2010 at 2011 sa UAAP cheeardance competition. Agad na nag-viral ang kanilang mga pictures at video na kuha sa reception ng kanilang kasal:

Read also

Alex Gonzaga, pinakita ang behind-the-scenes ng kanilang pelikulang Exorsis

Kaya naman pala eh! Pep squad members naman pala kaya ganyan. Masaya talaga balikan ang mga bagay na gustong gawin ng magkakaibigan. Dahil sanay naman sila feeling ko okay naman. Congratulations po sa bagong kasal!
Alam na ang magiging baby nila baka ganyan nila patulugin! lol! Pero nakakatuwa sila tingnan. Kitang-kita ang kanilang closeness at tiwala sa isa't-isa para gawin iyan kahit matagal na iyong kanilang cheerleading days! Congratulations po!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aliw na aliw ako. Haha! Pero parang nakakatakot at nakakaba siguro kung nandoon ka sa venue nila. Keber kung naka-gown go pa din sila.

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Isa sa nag-viral na video kamakailan ay ang pag-iyak ng isang bride matapos silang lokohin ng kanilang wedding coordinator. Kasunod ng pag-viral ng video niya ay bumuhos ang simpatya at may ilang mga personalidad na tumulong sa kanila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel